Una sa Balita

Hukom petmalu sa fake news

By
0 22

Sino daw itong mi­yembro ng Judiciary ang umaastang showbiz reporter dahil sa hilig magkalat ng tsismis sa kanyang mga kasamahan sa trabaho.

Base sa nakalap na impormasyon sa lodi na spy na si Mang Teban, hilig daw ng hitad na makipagtsismi­san sa mga hukom para lang manira ng kasamahan sa trabaho.

Ang hitad na tawagin na lang nating ‘bubuyog’ o ‘queen bee’, ay nagpa­lipat-lipat daw ng tanggapan para lang magkalat ng fake news sa mga taong kinaiinisan niya.

Kahit nga raw ang mga mahistrado, hindi nakaligtas sa matabil na bubuyog ng Judiciary dahil pati sila ay inulan ng tsismis to the max.

Napapaghalataan tuloy ng mga kasamahan na may galit itong si bubuyog sa mga taong sinisiraan niya, marahil ay nasulot sa mga inaambisyon nito sa buhay.

Hindi man lang daw marunong manalamin itong si bubuyog dahil siya mismo, maraming puwedeng itsismis lalo na sa mga kuwestiyonableng paggastos ng pondo ng kanyang tanggapan.

Ang classic nito, kapag nakakaharap ni bubuyog ang mga taong winasak niya sa fake news, aba’y parang santong kabayo na hindi makabasag ng pinggan sa kabaitan.

Alam naman daw ng mga kasamahan niya ang pinaggagawa ni bubu­yog subalit pinabayaan lang dahil tila walang kamandag ang kagat o mga banat nito sa mga kasamahan sa trabaho.

May katandaan na itong miyembro ng Judicial branch at may letrang ‘C’ sa kanyang pangalan as in Chismosa.