Una sa Balita

Hukayin si Marcos!

By
0 108

Maagang dinagsa ng mga militanteng grupo, iba’t ibang cause-oriented groups, non-government organizations (NGOs) at mga taong simbahan ang pagdiriwang kahapon ng ika-31 anibersaryo ng EDSA revolution sa EDSA Peoples Power Monument.

Alas-sais pa lang ng umaga nag-umpisa nang magparamdam ang mga raliyista sa pamamagitan ng pagtitipun-tipon dala ang iba’t ibang streamer at bandera upang kondenahin ang dating diktador na si yumaong Ferdinand E. Marcos.

Nanguna sa pagtitipon ang February 25 Coalition, Bagong Alyansang Maka­bayan (Bayan) at iba’t ibang militanteng grupo.

Maaga ring nagprotesta ang grupo ng Running Priest na si Fr. Robert Reyes na nagtipun-tipon sa panulukan ng EDSA at White Plains kasama ang mga kasapi sa grupong #BlockMarcos.

Sama-samang nagmartsa ang mga raliyista patungong Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Taguig, City para ipanawagan ang paghukay sa puntod ni da­ting Pangulong Marcos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy