Una sa Balita

Hugpong may pambato sa Sta. Maria, Bulacan

0 356

Nagkaisa sina former Mayor Bartolome ‘Omeng’ Ramos at Councilor Nelson Luciano na lumaban sa pagka-alkalde at vice mayor sa Sta. Maria, Bulacan sa local election sa Mayo 13, 2019.

Ayon kay Ramos, nagpasya siyang bumalik sa politika upang muling sumigla at umunlad ang kanilang bayan dahil noong panahon niya at matapos ang tatlong termino, ay iniwan niyang pang-lima ang Sta. Maria, Bulacan sa pinakamayan at pinakamaunlad na munisipalidad sa buong Pilipinas pero ngayon ay nawala na sa top 10.

Si Luciano naman ay tatlong termino na sa pagka-konsehal, at anak ni dating mayor Paulino Luciano. Ang tambalang Ramos at Luciano ay nasa ilalim ng partidong NUP-Hugpong ng Pagbabago ni Presidential daughter Sara Duterte-Carpio.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy