Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Hugas’ ni AJ Raval tinawag na porno

0 1,077

Nag-number one trending sa Twitter si AJ Raval dahil sa pelikulang ‘Hugas’ nila ni Sean de Guzman, at dinirek ni Roman Perez, Jr.

Ang daming naloka kay AJ, na nagtatanong, paano raw niya kinakaya ang maghubo sa harap ng kamera, makipaglampungan sa lalake, na halos lamutakin, simsimin na ang buo niyang katawan?

Ano raw ba ang masasabi ni Jeric Raval, na kung siya nga na isang tunay na lalake, hindi napilit na magpasilip ng ari noon sa mga action movie na ginagawa niya, at heto nga ang anak niyang babae, naglalantad ng katawan, hindi raw ba siya nahihiya, naiilang, natatakot para sa kanyang anak?

Ikinumpara sa porn ng ibang netizen ang ‘Hugas’ dahil daw sa tindin ng hubaran, lampungan ng mga bida, pati nan g mga supporting character, na puro palaban din sa paglalantad ng kanilang katawan.

Heto nga ang tweet ng mga netizen:

“Is AJ Raval’s movie Hugas a porn movie?”

“Shit I cant move on sa Hugas, super SPG!”

“P@#$% na-curious ako sa Hugas, pinanood ko, dapat nasa porn site ito!”

Pero siyempre, sangkatutak na lalake ang nabuhayan ng ugat, at puring-puri sa kagandahan, kaseksihan, katapangan ni AJ, ha! Kaya hindi na kataka-taka kung number one rin siya ngayon sa Vivamax! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.