Una sa Balita

‘Hugas ng Kamay’

By ,
Photo: Paez Lopez
0 3

Hindi ang literal na ‘hugas-kamay’ na pagtatakip ng kasalanan – kundi isang simbolikong paglilinis ng katauhan at pagninilay ngayong panahon ng Semana Santa.

Pinangunahan ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PCSupt Guillermo Lorenzo T Eleazar ang “Stations of the Cross” sa Camp Karingal noong Miyerkules Santo.

Ito ay sa gitna ng bumabalot na kontrobersiya, pagdududa at takot sa mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) dahil sa kaliwa’t kanang patayan buhat nang simulan ang malawakang kampanya laban sa iligal na droga sa ilalim ng Oplan Tokhang.

Photo: Paez Lopez
Photo: Paez Lopez

Hindi kayang linisin ng PNP sa isang hugasan ang mentalidad ng impunity at pangamba sa extrajudicial killings (EJK), subalit kayang baguhin ang mga taong nakasuot ng uniporme ng Pampansang Pulisya na kumbinsihin ang sarili na ang sinumpaang serbisyo ay para sa tao at hindi sa utos ng isang berdugo.

Hinikayat ni Eleazar ang lahat mga tauhan ng QCPD ma samantalahin ang Semana Santa para baguhin ang sarili, magnilay at magbalik-loob sa kalooban ng Manunubos.