Una sa Balita

Hudgens, Butler winakasan ang 9-taong relasyon

0 372

Sayang naman, dahil kung kailan malapit na ang Valentine’s, heto nga at sa hindi inaasahang pagkakataon, winakasan na ng “High School Musical” actress Vanessa Hudgens at “Once Upon a Time in Hollywood” actor na si Austin Butler ang kanilang halos isang dekadang pagsasama.

Siyam na taon nga silang nagmahalan, at ipinakita o ipinarinig sa mundo ang palitan ng kanilang matatamis na salita. Mapa-social media man o sa mga interview ay kilig to the bones talaga ang kanilang mga binibitawang pahayag tungkol sa isa’t isa.

Pero ngayon nga ay tila tumigil ang mundo ng mga fan sa balitang split na ang kanilang mga Hollywood idol.

Wala pa namang sinasabi sa publiko kung ano ang sanhi ng kanilang hiwalayan, pero ayon sa mga lumalabas na report, opisyal nang tinapos ng dalawa ang kanilang siyam na taong relasyon, na ipinagsabi naman daw ng dalawa sa malalapit na tao sa kanila.

Labis na ikinalungkot ng mga fan ang balitang ‘yon at hindi pa matanggap ng iba.

Samantala, ang ibang avid “High School Musical” fan naman ay sinasabing ito na ang chance na magbalik ang spark nina Vanessa at Zac Efron na siyang pangunahing bida noon sa nasabing palabas. Naging remarkable kasi talaga sa mga fan ang nakakakilig na pagtatambal ng dalawa noon, kaya hanggang ngayon ay hindi sila maka-get over dito. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More