Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hublag Subong ang pagbabalik ng mga Ilonggo Sining Biswal Master

0 138

Ang kasalukuyang pandemya ng COVID-19 ay hindi ang perpektong panahon para magsama-sama ang mga batikang artista ng sining biswal sa Iloilo ngunit ito ay isang angkop na pagkakataon upang muling pag-ibayuhin at buhayin ang diwa ng isang pagdiriwang ng sining na, ilang dekada na ngayon, ay kasabay ng taunang Dinagyang Festival.

Sa “Hublag-Subong,” mahigit 20 artistan sa sining biswal na tinuturing na mga agurang (ang Hiligaynon na salita para sa mga iginagalang na matatanda) ang muling lumitaw, nagsama-sama at nagkapit-bisig at ipinakita ang kanilang pinakabagong mga gawa nila sa isa sa mga art gallery sa University of the Philippines (UP Visayas) sa Iloilo City .
Pahauag ni Ginoing Martin Genodepa, na nagsisilbing curator at isang kalahok na artist: “This exhibition reaffirms these agurangs’ talent and commitment to their muses that have sustained the growth of art in Iloilo and that has, today, enriched local, regional, and even the national art scene.”

Nagsimula ang “Hublag-Subong” mula sa Hublag: The Ilonggo Arts Festival noong huling bahagi ng dekada 1980 hanggang kalagitnaan ng dekada 1990.

Pinangunahan ng Arts Council ng Iloilo at sa suporta ng UP Visayas, ang orihinal na Hublag ay mga panlabas na eksibisyon ng sining biswal na ginaganap dati sa abandonadong PNB Multi-Purpose Hall sa kahabaan ng Gen. Luna St. at sa Iloilo National High School sa distrito ng La Paz.

Ang mga tampok sa kasalukuyang eksibisyon ay ang mga natatanging likhang sining biswal nina Ritche Baylon, Anthony Castillo, Ritchie Condesa, Ed Defensor, Boy Dolar, Angelo “Jun-Jun” Duarte, Vic Fario, Voltaire Fernandez, Ronnie Granja, Guijo Dueñas, Joey Isturis, Jeline Laporga, Madhu Ann Liebscher, Boy Masculino, Jomari Moleta, Rheo Nepomuceno, Frank Alexi Nobleza, Fred Orig, Al Provido, Eric Tacorda, at PG Zoluaga.

“The original] Hublag engendered the first massive wave of revival in the local visual arts that brought to center stage local artists who had just been working in the shadows. It also challenged and emboldened young talents to engage in art,” kwento ni Ginoong Genodepa.

Ang pagbabalik ng Hublag na pwedeng matunghayan at puntagan sa sa Lantip Gallery ng UP Visayas ay isang mas pormal na eksibisyon na nagtatampok ng hindi bababa sa dalawang gawa mula sa bawat kalahok na artista. Karamihan sa mga gawa ay acrylic at oil painting habang ang ilan ay mixed-media na piraso. Mayroon ding mga eskultura na gawa sa mga piraso ng bato, kahoy, at metal.

Ang “Hublag-Subong” sa UP Visayas ay kauna-unahan pa lamang para sa art reunion ng mga Agurang. Magkakaroon ng pangalawang group exhibition sa Museo Iloilo kung saan inaasahang mas maraming batikang artista ang sasali.

Dahil sa patuloy na pandemya, iminumungkahi na tumawag sa (33) 337-9159 o mag-message sa Upv Oica sa pamamagitan ng Facebook messenger para sa mga nakatakdang pagbisita. Maximum na 10 tao lamang ang pinapayagang makapasok. Hanggang sa katapusan ng Enero ang nasabing visual arts exhibition.

Leave A Reply

Your email address will not be published.