Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hubalde papasiklab sa VisMin Super Cup

0 73

WALANG ibang hangad ang MJAS Zenith Team sa pangunguna ni Paolo Hubalde kundi ang maging pinakaunang kampeon at maitala ang kasaysayan sa pagsasagawa ng ikalawang propesyonal na liga sa basketball sa bansa na Pilipinas VisMin Super Cup na gaganapin sa Cebu at Mindanao.

Inihayag ito ni Hubalde, MJAS Zenith team manager Jhon Santos, at Puma PH senior manager for sales marketing and operations Michael Aldover sa pagdalo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum Martes kasama ng San Miguel Corporation, Go For Gold PH, MILO Philippines, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

“It is good that we are being tagged as one of the contenders because that will give us more challenge to achieve our goal of making a history in the league,” sabi ni Santos, sa forum na suportado ng Smart at Upstream Media bilang official webcast partner.

Maliban kay Hubalde, makakasama din nito si Val Acuna na matatandaang naging MVP sa MPBL. (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.