Una sa Balita

HUBAD NA PIOLO, INIREGALO NI MEYOR SA KOMEDYANTE!

By
0 22

Noon pa man ay kinaiinggitan na ng mga babae, badikla si Yaya Moi, o Moi Bien (Hatima Maracampo), dahil kay Piolo Pascual.

Kasi nga, kung may isang babaeng madalas na kasama ni Piolo, mula loob at labas ng bahay, ‘yun ay si Moi.

Sa ngayon, bagama’t artista na si Moi, siya pa rin ang ‘personal assistant’ ni Piolo Pascual.

At bongga, dahil kamakailan, birthday nga niya, at isa sa mga nagsorpresa, o nagbigay ng pa-birthday sa kanya ay ang Megastar na si Sharon Cuneta.

“Pag masaya ka sa ginagawa mo at may magaling na artista na umaalalay at handang sumuporta para magawa mong maayos ang eksena…

Ang sarap sa pakiramdam thank you madam #megamoi #angpamilyanghindilumuluha,” tsika ni Moi sa photo na kasama niya si Sharon.

Sa shooting nga ng Ang Pamilyang Hindi Lumuluha madalas magsama sina Moi at Sharon.

Anyway, pero ang mas kinanggitan din ng mga netizens kamakailan ay ang pinost niyang photo ni Piolo na half naked. Shorts na black lang ang suot ni Pio­lo at nakatingin sa kalayuan.

thank you mayor sa regalo nyo.. ang sarap sarap po.. 👅

A post shared by Moimoi Marcampo (@moibien80) on

Siyempre, bakat na bakat ang kakisigan ni Piolo, lalo na ang nakakabaliw na abs nito.

“Thank you mayor sa regalo nyo… Ang sarap sarap po…” caption niya sa photo na `yon ni Piolo.

Siyempre, humamig ng sangkatutak na komento ang post niyang `yon, na i­dinaan nga sa biro ang inggit sa kanya. Heto ang iba’t ibang tsika ng mga followers ni Moi.

“Haha… espesyal na pandesal…kasama with palaman..”
“May pa-abs!”
“Kakainggit ka dai!”
“Happy Birthday, Moi @hatima!:) Tirhan mo ko haha.”
“Busog ka na dyan.”
“May nanalo na. .uwean na.”
Grabe kanin pls HBD @hatima.”
“Gusto ko din po nyan. B-day ko po bukas.”