Una sa Balita

Hualda yayari sa Ronda

By
0 3,178

PAMUMUNUAN ni veteran Ronnel Hualda ang mga batang rider na kakampi sa Go for Gold pagsabak nila sa 8th Ronda Pilipinas 2018 simula sa Marso 3 sa Vigan, Ilocos Sur at matatapos sa Marso 18 sa Filinvest, Muntinlupa City.

Makakasama ni skipper Hualda sina Ismael Grospe, Jr. Ronilan Quita, Roel Quitoy, Jay Lampawog at Bryant Sepnio.

“Ito ang team na puno ng pangako. Lahat dito puwedeng pumutok mabigyan lang ng pagkakataon,” tugon ni Hualda.

Ang ibang miyembro ng squad sa event na ipiprisinta ng LBC at mga suportado ng MVP Sports Foundation, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Cycling, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling, ay sina Joshua Mari Bonifacio at Jericho Jay Lucero.

Markado sa 12-Stage bikathon sina defending champion Jan Paul.(Elech Dawa)