Una sa Balita

Howard gustong bumalik sa Lakers

0 302

TAONG 2012 ay nasungkit ng Los Angeles Lakers si Dwight Howard, isang six-time All-Star at three-time Defensive Player of the Year.

Naging usapan ang paglipat ni Howard sa Lakers, sinabi pa ng ilan na sila na ang namumurong manalo ng kampeonato, pitong taon na ang nakalilipas.
Ngunit hindi ito ang nangyari, bigong makausad ang Lakers, bumaba ang produksyon ni Howard, at umalis din sa sumunod na season at dito na nagsimula ang rebuilding ng Lakers.

At ngayong 2019, posibleng matupad ang muling pagsasama ng dalawa, ito ay kung nais pa ng Lakers na makuha ang serbisyo ng tinaguriang ‘Super Man’.

Ayon sa mga report, nais mai-trade ng Memphis Grizzlies si Howard, at kung hindi makakuha ng kapalitan ay iwa-waive na ito ng koponan.

“I don’t know what’s going to happen, but I do love L.A.,” ayon kay Howard.

“Staples Center is going to be rocking this season. When I played there it was rocking every night. The atmosphere is crazy, not just for the Lakers but the Clippers too. I just think all the hard work they’ve put in is pa­ying off now.” (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy