Una sa Balita

Howard balik sa Lakers

0 329

PLANTSADO na ni Dwight Howard ang contract buyout sa Memphis Grizzlies, at base sa multiple reports ay hahabulin na ang planong pumirma sa Los Angeles Lakers bilang free agent.

Posibleng bigyan ng Lakers ng non-guaranteed contract si Howard.

“Howard had several meetings with Lakers officials, and they’ll give him a chance to show he’s made changes in how he conducts himself,” ani Adrian Wojnarowski ng ESPN. “Lakers players are involved in process.”

‘Di pa nagsisimula ang season ay injured na si DeMarCus Cousins (ACL), naghanap ang Lakers ng center na ipapares kay JaVale McGee para tauhan ang gitna kasama nina LeBron James at Anthony Davis.

Iniulat naman ni Shams Charania ng The Athletic na nakipagkita si Howard kay Lakers assistant coach Jason Kidd.

Naglaro si Howard sa Lakers noong 2012 kasama sina Kobe Bryant at Steve Nash, makalipas ang isang season ay lumipat agad sa Houston Rockets.
Dinagdag ni Wojna­rowski na pinag-work out ng Lakers sina ­Howard, Joakim Noah at Mo Speights­ sa Los Angeles.

Nai-trade si Howard, 33, sa Grizzlies mula Washington Wizards noong July. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy