Una sa Balita

Housing summit: Solusyon sa pabahay

By
0 333

Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang ‘Mara­litang Taga Lungsod, Alaga sa Maynila’ housing summit na nag­lalayong maresolba ang problema sa pabahay para sa halos 1,000 mahihirap na pamilya sa siyudad.

Sa idinaos na summit sa San Andres Sports Complex sa Malate kahapon nang umaga, nangako rin si Estrada sa mahigit 300 na homeowners association sa lungsod na walang mangyayaring demolisyon hanggang walang nakahandang relokasyon sa mga maaapektuhang Manilenyo.

Aniya, naglaan ang city go­vernment ng 16 na lote na may kabuuang sukat na 93,000 square meters para sa housing project sa Maynila habang P3.3 milyon naman ang itinakda bilang post relocation assistance para sa 700 informal settler family na mali­lipat sa Naic, Cavite.

Isasakatuparan aniya ang programa sa tulong ng Natio­nal Housing Authority (NHA), Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), Department of Interior and Local Government (DILG), Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC), Metro Manila Development Authority (MMDA), at mga member agency na kabilang sa Local Inter-Agency Committee (LIAC-Manila).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy