Una sa Balita

Housing ng Duterte admin, babagsak dahil sa Kadamay – Ejercito

By
0 210

Dahil sa katigasan ng ulo ng mga kasapi ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na magbayad ng hulog sa inokupahan nilang panahay ng gobyerno sa Pandi, Bulacan, nahihirpan na rin ang National Housing Authority (NHA) na mangolekta sa buwanang hulog sa iba pang nakakuha ng socialized housing program ng gobyerno.

Ito ay base sa natanggap na impormasyon ni Sen. JV Ejercito, chair ng Senate comittee on urban planning, housing and resettlement sa katatapos na briefing ng NHA sa municipal hall ng Pandi sa Bulacan.

Sa nasabing briefing na dinaluhan din ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez at apat pang kongresista, inusisa ni Ejercito kung maraming beneficiaries ng socialized housing program ng NHA ang hindi na nagbabayad ng monthly amortization matapos gayahin ang hindi pagbabayad ng mga miyembro ng Kadamay sa mga inokupahan nilang bahay.

“Kung yung sa Kadamay ay libre eh bakit daw sila magbabayad,” paglalahad ng isang inhinyero ng NHA sa Central Luzon.

Ayon kay Engr. Rommel Alimboyao, nasa mahigit 50 porsiyento ng mga kumuha ng pabahay ang hindi na rin nagbabayad ng mothly amortization o hulog sa NHA dahil sa pamumuwersa ng Kadamay na okupahan ang mga pabahay at nagmamatigas na hindi magbabayad ng hulog sa gobyerno.

Dahil dito nababahala si Ejercito sa posibleng mag-collapse o tuluyan ng bumagsak ang socialized housing program ng NHA kung wala ng magbabayad ng hulog sa gobyerno.

Umaabot sa 5,270 units ang kabuuang bilang ng inokupahan ng mga miyembro ng Kadamay sa Pandi, Bulacan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More