Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

House to house bakunahan epektibo – NTF adviser

0 99

Mas epektibo ang ginagawang house to house vaccination ng Department of Health (DOH) para matiyak na mababakunahan lahat ng Pilipinong dapat mabigyan ng booster shot laban sa COVID-19.

Sinabi ito ni National Task Force Against COVID-19 special consultant Dr. Ted Herbosa sa Laging Handa public briefing kahapon kung saan ay nabibigyan na rin aniya ng COVID bakuna ang mga hindi pa natuturukan lalo na ang mga may sakit na hindi makaalis ng bahay.

Hindi na aniya kailangang lumabas at bumiyahe dahil mismong mga vaccinator na ang pupunta sa mga bahay na malaking bagay para sa mamamayan.

Sa ngayon aniya mayroon ng 68.3 milyong Pilipino na nakatanggap ng dalawang doses ng COVID bakuna at kaunting pagpupursigi pa para maabot ang target population na 77 milyon. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.