Una sa Balita

House, Aces inagaw ang ikapitong silya

0 306

ITINALA ni Franko House ang kanyang conference high 24 puntos dagdag ang walong rebounds at limang assists upang itulak ang Alaska Aces sa pag-agaw sa silya sa quarterfinals sa pag-okupa sa ikapitong sil­ya sa pagbigo sa NLEX Road Warriors, 106-90, sa pagtatapos ng eliminasyon ng 2019 PBA Governors Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nagbuhos ang Aces ng 12-0 atake sa natitirang 1:46 minuto ng ikalawang yugto upang itala ang pinakamataas nito na 22 puntos na abante mula sa dala­wang free throw ni Kevin Racal, 61-39, tungo sa pagpigil sa Road Warriors para sa kabuuang 5-6 panalo-talong record.

“I know about my average and I just want to come out aggressive tonight and I’m so happy to get that confe­rence high. We just concentrate on the team and focus on the team’s goal, Alaska pride,” sabi ni House.

Nakamit ng Aces ang ikaapat nitong sunod na panalo subalit pinakaimportante dito ang pagkakaiwas na mahulog sa matira-matibay na playoffs.

Ang panalo ng Aces, na kabuuang ikalima nito sa nakalipas na walong laro ay nagbigay ng karapatan para harapin ang ookupa sa ikalawang puwesto na pinag-aagawan alinman sa huling laro sa pagitan ng San Miguel Beer at TNT KaTropa. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy