Una sa Balita

Hottie young actor pinagpantasyahan ang guwapong aktor

0 781

Hot na hot ang ­dating, itsura, porma at pangangatawan ng young actor na ito para sa karamihan, pero true blue kaya ang chika sa akin na nu’ng panahon na nagsisi­mula ito ay may bet diumano siya na kasabayan niya?

Waley raw kaalam-alam noon ang kasaba­yan niyang guwapo rin at talentado na feel siya ng batang aktor hanggang sa may mga nagparating sa kanya tungkol dito.

May mga pa-simpleng chika raw kasi ang subject natin patungkol sa kasabayan niya na tila may kakaibang nararamdaman ito at pagka-concern sa huli na ipinagtataka ng ilang staff ng TV show na pinagsamahan nila.

Napaisip at nagtaka tuloy ang prospect ng young actor sa mga kabutihang ipinapakita nito o kung paano makitungo sa kanya at sa mga eksena o ginagawa nila ‘pag magkasama sila sa programa noon.

Magaling siyang umarte kung hindi bukayo o buking ng karamihan ang tunay niyang kulay, ha! Pero hindi ako at ang mga vatla sa hindi na naulit na show!

 

Angelica nawala ang pagod, antok sa pasabog ng ‘Playhouse’

Martes ng gabi ay sinorpresa si Angelica Panganiban ng kanyang mga kapamilya sa teleseryeng “Playhouse” sa bahay niya para sa kanyang kaa­rawan.

Pagod at antok na antok na ang aktres nang umuwi ito ng kanyang bahay galing sa airport mula sa bakasyon sa Japan with her close friends in showbiz mula noon hanggang ngayon.

Kasama ni Angelica ang kanyang ex-boyfriend na si Carlo Aquino, na kaibigan niya pa rin until now na marami ang may bet na magkabalikan sila.

Ka-join din ng dalawa sa Japan ang bestfriend of all ni Angelica, ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro na dati ring Kapamilya star.

Ang mag-jowang Cholo Barretto at Ryza Cenon were part of the group along with Ketchup Eusebio at ang dating child star na kasabayan din ni Angelica na si Sarah Christophers na based na sa ibang bansa at medyo nagkalaman. May iba pa silang mga kaibigan na kasama sa masayang trip nila sa Japan.

Ang bongga ng bahay ni Angelica, dahil makikita sa video that she posted on her Instagram account na palabas siya ng elevator nang gulatin siya ng mga kasamahan at kaibigan niya sa “Playhouse” na may mga dala raw na pagkain, gourmet, inumin at regalo.

Basta, sinabihan daw siya ng kasama niya sa bahay na may pinadalang pagkain para sa kanya sa dining, kaya bilang masunurin ay sumunod naman daw siya. Hayun, hindi raw alam ni Angelica kung saan niya kukunin ang energy pagkakita sa mga bisita niya.

Pero maya-maya raw ay ang iingay na nila sabay kuwentuhan, tulakan at sigawan pagkatapos daw siyang hayaan munang maghugas ng mga paa, magpalit ng damit at magsuklay, hahaha! Nakakatuwa sila! Belated happy birthday, Angge!

 

Nora handang maghirap para sa iba

Waley na yata na kasing-generous na artista ang the one and only Superstar na si Nora Aunor! Nang sumakabilang buhay pala ang assistant director ng serye niyang “Onanay” sa GMA-7 ay nagbigay ito ng isang bundle ng datung na tig-iisang libong piso!

Ibinigay raw ni Ate Guy ang tulong niya sa pamilya pagkakuhang-pagkakuha niya ng ­talent fee niya sa nasabing palabas.

Sa dati nga raw niyang pinagbidahan din na show ay ibinahagi ni La Aunor ang huli niyang nakuhang TF (kung hindi buo ay malaking parte nito) nung mag-finale episode na raw ito sa TV.

Noong unang panahon pa raw ay ganyan na mag-share ng blessing niya ang very much deserving sa highest award, kung meron man, na higit pa sa National Artist Award!

Mukhang keri lang talaga kay Ate Guy na mawalan siya ng yaman o maghirap siya sa buhay basta, ang mahalaga sa kanya ay nakatulong siya sa kapwa niya na nanga­ngailangan at hindi siya kailanman naging maramot.

Pagpalain pa sana nang bonggang-bongga ng Diyos ang nag-iisang Supertar dahil sa kabutihan niya.