Una sa Balita

Hotel sa Cebu nasunog

By
0 315

INIIMBESTIGAHAN pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Cebu City ang pagkasunog ng isang kuwarto ng Hotel Elizabeth sa Archbishop Reyes Avenue, Barangay Kamputhaw, Cebu City, kahapon nang madaling-araw.

Ayon sa ulat ng BFP-Central Visayas, nakatanggap sila ng report na nasusunog ang Hotel Elizabeth sa Barangay Kamputhaw bandang ala-1:33 nang madaling-araw noong Lingggo na kung saan nakita na nagmula ang apoy sa generator room ng nasabing hotel.

Halos masunog ang buong kuwarto subalit naagapan at nai­deklarang fire under control bandang alas-2:13 at fire out bandang alas-2:24 nang madaling-araw.

Umaabot sa P10,000 ang nakitang damage sa loob ng kuwarto ng hotel at wala namang naiulat na nasugatan sa pagkasunog.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy