Una sa Balita

Hotel owner nilibing sa septic tank

0 383

Walong araw bago natagpuan ang bangkay ng isang negosyan­te matapos patayin ng nakaali­tang empleyado at ilibing sa septic tank kamakailan sa Daet, Camarines Norte.

Ayon sa report, nalaman ng pamilya ng nasawing negosyante na si Emilio Aytona Jr., 70-anyos, may-ari ng isang hotel sa Daet ang krimen nang i-review ng kaanak ang CCTV camera ng hotel dahil sa pangambang matagal nang nawawala ang matanda.

Doon na nadiskubre kung paano pinatay ni Nestor Quiñones, 54, ang kanyang amo na naganap noong Enero 8, 2020 sa basement ng pinagtatrabahuang hotel.
Ayon kay Police Lt. Col. Joel Quintero, hepe ng Daet-PNP, halos 7-taon nang naninilbihan ang suspek sa pamilya Aytona at hindi nila inaasahan na gagawin ng suspek ang karumal-dumal na krimen.

“Nakita nila sa CCTV na ‘yung suspek pati ‘yung mga pangyayari kung papaano ginawa ‘yung krimen,” ayon kay Police Lt Col. Quintero.

Nabatid na matapos ang pagpatay, nagpatuloy pa rin sa pagtatrabaho ang suspek sa loob ng walong araw hanggang sa makitang lumutang ang bangkay.
“May palo sa mukha… Ang ginamit sa pagpatay ay ‘yung bakal, tubo. ‘Yun din ang sinabi ng suspek na ginamit niya.

Ayon sa suspek, hindi umano­ sila nagkasundo ng biktima sa ipinapagawa nitong kisame hanggang sa nagdilim ang kanyang paningin at pinalo ng tubo ang matanda.

“Sabi ko magtipid tayo. Sabi niya hindi, sinasabihan ka, tinulak niya ako tapos kumapa ako sa baba nakuha ko ‘yung tubo, pinalo ko siyang 3 beses,” ayon sa suspek.

Ayon sa report, mula sa bodega ng hotel hinila pa ng suspek ang biktima gamit ang nylon­ wire papunta sa kulungan ng manok kung saan naroon din ang septic tank at doon na itinapon ang matanda. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More