Una sa Balita

Hotel cleaner nagnakaw ng semilya ng milyonaryo para magkaanak

0 747

NINAKAW ng isang tagalinis ng hotel ang gamit na condom mula sa kuwarto na tinulugan ng isang milyonaryo, at pinasok ang semen sa loob ng kanyang ari para magkaanak.

Ngayon, nagretiro na ito sa nasabing hotel, mayroon na siyang apat na taong gulang na anak, at nanalo pa ito ng full custody sa isang child support case laban sa nasabing 28-anyos na milyonaryo.

Sa pagdinig, inamin ni Jane, isang 40-anyos na taga­linis sa isang Las Vegas hotel na hindi niya nakasiping ang tech millionaire.

“He left his bank statement on the nightstand in his hotel room and I saw it when I was cleaning, at the time I wanted a baby so bad and I thought it would be better if I had a baby with a rich man,” saad ni Jane sa ulat ng The Breaking Times.

Isinagawa ang paternity test at nalamang ang milyonaryo nga ang tatay kaya inutos ng korte na magbayad ito kay Jane ng $2 milyon (P101.5 milyon) para sa nakaligtaan nitong tatlong taon ng lalaking anak.

Ayon sa mga abogado ng milyonaryo, desidido silang humanap ng iba pang ligal na aksiyon laban kay Jane dahil sa pagnakaw nito ng bodily fluids at paglabag sa privacy ng lalaki.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy