#HotDad Ian Veneracion, timeless ang kaguwapuhan


Mula sa pagiging matinee idol noong 80s, hindi kumupas ang kaguwapuhan at karisma ni Ian Veneracion kaya love ito ng marami sa loob at labas ng showbiz industry.
 
Limang taong gulang pa lang si Ian (Stephen Ian López Veneración sa tunay na buhay) nang sumabak ito sa pag-aartista. Siya lang naman ang nag play sa role bilang anak ni Joey de Leon sa weekly sitcom na “Joey and Son” noong 1982. Habang tumatagal, kinikilala na siya noon sa kanyang pagiging baby face, very cute at handsome image at maging sa boses na husky.
 
Maituturing na stellar comeback kay Ian ang generation ngayon. Higit na kuminang ang kanyang showbiz career noong 2015 nang makatambal nito si Jodi Sta. Maria sa remake ng teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo” at movie na “All You Need is Pag-ibig”.
Si Ian Veneracion mula sa kanyang pagiging child star noon sa sitcom na “Joey and Son” noong 1982 (dulong kaliwa) hanggang sa ngayon na hindi kumukupas ang kaguwapuhan at husay sa pag-arte. (Internet)
Bilang bahagi ng endless surprises sa kanyang career, umaalagwa rin ngayon ang love team nila ni Bea Alonzo sa teleseryeng “A Love to Last”.
 
Kahit daddy na si Ian sa tatlong anak, very supportive sa kanyang career ang wife nitong si Pam Gallardo na isang industrial engineer.
 
Edad 22 nang mag-asawa si Ian kaya ngayon tatlo na ang kanyang anak at isa rito ay college na (17, 15, 9 ang mga edad, babae ang gitna).
 
Pero maliban sa kanyang ‘trademarks’, hindi alam ng marami na marunong siyang magpinta – anak lang naman siya ng kilalang artist na si Roy Veneracion. Katunayan nito, si Ian ay nagkaroon na ng tatlong solo exhibits.
 
Kabog din ang ibang mga artista sa kanya dahil isa siyang licensed private pilot (gaya ng kanyang lolo at mga tito), skydiver, paragliding pilot, scuba diver. Sports enthusiast pa rin si Ian dahil may husay din sa skateboarding, football, basketball, martial arts, boxing, rock climbing, golf, sailing at naging isang motocross rider.
 
Ang hot dad na 41 years old ay mahusay ding magluto kaya hindi kataka-takang nakuha siyang endorser ng isang sinigang sa sampalok mix. May background kasi siya sa culinary arts.
 
Nakakatuwa na sa ageless beauty ni Ian ay solid pa rin sa kanya ang mga dati niyang fans simula noong child star pa lang ito at ngayon ay mas dumarami pa ang humahanga sa kanya. May ibang fans pa na nagsasabing si Ian ang Robert Downey Jr. ng Pilipinas.
SHARE