Una sa Balita

HOT START

By
0 8

Mga laro ngayon (Shah Alam Stadium)
8:45 p.m. — Indonesia vs. Philippines (men’s)
(UM Arena, Petaling Jaya)
4 p.m. — Philippines vs. Vietnam (women’s)

Dumadagundong na sinimulan ng men’s at women’s national soccer teams ang kampanya kamakalawa ng gabi sa pre-opening ng 29th Malaysian Southeast Asian Games football tournament preliminaries sa Kuala Lumpur.

Nakapag-adjust sa second half, sumipa ang National Under-22 squad ng panresbak na 2-0 win sa Cambodia sa MP Selayang Stadium.

Dumating ang goals sa second half nina Reymart Cubon sa right corner kick sa 53rd minute kasunod ang free sa 73rd ni Fil-Jap Belgira Kouichi sa men’s Group B.

Ginulantang ng PHL women’s football team ang host Malaysia 2-1, sa Shah Alam Stadium sa pamamagitan nina skipper Patrice Impelido at Camille Reyes sa bawat half para sa buena-manong tagumpay rin sa 5-team, single round contest.

“This win is the start of our journey to the semifinals,” komento ni national men’s coach Marlon Maro. “The players were able to execute according to our plan. We prepared hard for this game.”

Nag-adjust lang ang Filipinos sa second half nang mangapa sa unang 45 minutes dahil sa ilang malambot na bahagi ng palaruan.

Inakbayan ng Pinoy booters sa unahan ang Vietnam na 4-0 winner sa Timor Leste.

Magandang regalo rin ang panalo kay team skipper Julian Mariano Clarino, na nagdiwang ng kanyang 22nd birthday noong Martes, bukod pa sa nagpalaki sa tsansa sa Final Four makalipas na mapuwersa ng Indonesia ang defending champion Thailand sa 1-1 draw.