Una sa Balita

HOSTING NG PILIPINAS SA 2019 OKAY SA SEAGF

By
0 107

KUALA LUMPUR — Malugod na tinanggap ng Southeast Asian Games Federation kahit may halong pag-aala­ngan ang pang-apat na pag­hu-host ng Pilipinas para sa 30th Southeast Asian Games 2019 bago pa natapos ang SEAGF council meeting sa Opal Room ng Mandarin Oriental sa kabiserang ito ng Malaysia.

Pinahayag ni SEAGF at Olympic Council of Malaysia president HRM Yam Tunku Tan Sri Imran sa press conference na kinasaya ng 34-man council member kasabay nang pagkakaloob ng buong suporta para para matagumpay iyon na maidaos.  

“We are so happy that despite the glitches, and only two days before this meeting was to end, our friends in the Philippine Olympic Committee (POC) met with officials of their go­vernment to discuss and then confirm to us now their hosting of the 2019 SEA Games,” tinig ni Imran.

Inamin ni Imran na sa una’y nag-aalinlangan ang mga miyembro sa kakayahan ng mga Pilipino upang maidaos pa ang SEAG mula sa pagsalo sa orihinal na host na umatras na Brunei sa isyu ng kaligtasan dahil sa gusot sa Marawi City sa Mindanao.

Pero tiniyak ng POC na ginarantiyahan ng pamahalaan ang pagbibigay ng buong seguridad at kaligtasan sa lahat ng 10 darayong mga bansa base nagkakaisang suporta ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng Philippine Sports Commission board sa pangu­nguna ni Chairman William Ramirez.

“Marawi is very far from the proposed pla­ces and venue of the next SEA Games,” hirit ni Imran. “And we are also assured that the incoming SEA Games Chairman, himself will receive the flags in the turnover ce­remony as part of the commitment,” panapos niya.

Nagalak si POC pre­sident Jose Cojuangco Jr., na sinamahan nina Imran, OCM Secretary General Dato Low Beng Choo at Badminton Association of Malaysia president Datuk Seri Mohammad Norza Zakaria matapos na batiin ng mga council members ilang minuto matapos ihayag ang opisyal na pag-ako sa hosting.

“Noong umpisa kasi, tinatanong nila kami na what happen, ang sabi ko na lang ay we will make an announcement,” sabi ni Cojuangco na sinamahan ng kanyang first vice president Jose Romasanta, treasurer Julian Camacho at auditor Johnee Go.

“Akala nila, hindi na tuloy but when they heard from the SEAGF president and from us, natuwa sila at nagpalakpakan tapos binati nila kami,” dugtong ni Cojuangco, na kasamang dumalo sa mi­ting sina POC First Vice-president Jose Romasanta, Treasurer Julian Camacho at auditor Jonne Go.

Pinapurihan din ni Imran ang plano ng ‘Pinas na isagawa ang susunod na Games sa magkakalapit lamang na lugar at probinsiya hindi katulad sa huling pag­hohost ng bansa na naglagay ito ng isang main hub at dalawang iba pang satellite venues para sa ibang mga sports na kinakailangan pang mag-eroplano.

“In order to avoid traffic, it will be held in Central Luzon particularly in Bulacan, Pampanga and Zambales that are so close also to Subic and Clark,” wakas ni Cojuangco.

Nagprisinta din ang Vietnam base sa posibleng pag-atras ng Pilipinas kung saan balak nitong isagawa ang event sa Ho Chi Minh City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy