Una sa Balita

Host China, USA, wagi agad sa FIBA World Cup

0 357

AGAD na lumabo ang tsansa ng Gilas Pilipinas na masungkit ang puwesto bilang “Best in Asia” matapos agad na magwagi ang host China upang makisalo sa liderato kasama ang nagtatanggol na kampeong USA pati na mga powerhouse na Serbia, Spain, Argentina at Italy sa eliminasyon ng ginaganap na 2019 FIBA World Cup.

Bitbit ng China ang 1-0 panalo-talong kartada kasalo ang Poland sa Group A habang nasa unahan ang Argentina at Russia sa Group B.

Nangunguna naman sa Group C ang Spain at Puerto Rico habang Italy at Serbia sa Group D.

Ang USA at Turkey ang lider sa Group E habang ang Group F ay bitbit ng Greece at Brazil.

Ang Group G ay nasa dominasyon ng Dominican Republic at France habang ang Group H ay nangunguna ang Lithuania at Australia.

Binigo ng Poland ang Venezuela, 60-69, habang tinalo ng China ang Ivory Coast, 70-55. Tinalo naman ng Russia ang Nigeria, 82-77, habang pinadapa ng Argentina ang Korea, 95-69.

Inungusan ng Puerto Rico ang Iran, 83-81, habang tinalo ng Spain ang Tunisia, 101-62.

Tinalo ng Australia ang Canada, 108-92, pinadapa ng Brazil ang New Zealand, 102-94, binigo ng Turkey ang Japan, 86-67, pinabagsak ng Dominican Republic ang Jordan, 80-76 habang pinabagsak ng Lithuania ang Senegal, 101-47.

Binigo ng Greece na kasama ang NBA MVP na si Giannis Antethoukompu ang Montenegro, 85-60, habang nakalusot ang USA sa Czech Republic, 88-67.

Tinalo naman ng France ang Germany, 78-74.

Asam ng Gilas Pilipinas na maging bansa sa Asia na may pinakamagandang kartadang maabot sa pagtatapos ng torneo kung saan ay masusungkit nito ang nakatayang silya na makatuntong sa pinaglalabanan na puwesto para sa gaganapin na 2020 Tokyo Olympics. (Lito Oredo)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More