Una sa Balita

Horror elevator sa condo

0 441

MISTERYO
Rey T. Sibayan

Mga ka-#Mis­teryo nakati­yempo na ba kayo ng ­nakakatakot na karanasan sa ­elevator?
‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Bagong lipat sa isang condominium building si Ramil at ang kanyang unit ay nasa 20th floor kaya may pagkakataon na matagal siyang makarating pag marami siyang kasabay sa elevator pag-araw.
Nung nalipat siya sa panggabing shift ay wala siyang problema pag-uwi niya ng ­alas-2 ng ­madaling araw at solo niya ang elevator hanggang sa isang madaling araw sa kanyang pagsakay sa elevator ay may napansin siyang kakaiba.
Mag-a-alas tres nun ng madaling araw nang mapansin niyang tila may kasama siya sa elevator pero nag-iisa naman siya. Hindi muna niya pinansin nung una hanggang sa mga ­sumunod na pagkakataon ay may ­sumitsit sa kanya sa gawing likod, lumingon siya pero sarili niya ang nakita sa dingding na salamin ng elevator.
Inisip ni Ramil na maaaring kawad lang ng kuryente o kable ng elevator nagmula ang sitsit na yun. Pero nang sumunod na pag-uwi niya tila may bumulong sa likod niya at hinipan pa ang kanyang tenga.
Nagulat pa siya nang biglang sumagitsit ang automatic air freshner ng elevator pero napawi din ang kanyang takot at inisip niya ang sitsit, hangin sa gawing likuran niya ay mula sa air freshner, sabay nakalanghap siya ng bango sa loob ng elevator.
Nang sumunod na pag-uwi niya at pasakay na siya ng elevator, may lalaking nakatayo sa likurang bahagi na naka-itim na jacket at ­naka-helmet­ na gamit ng construction worker. Inisip ni Ramil na marahil ay may ginagawa sa itaas na bahagi ng condominium.
Nag-alangan si Ramil na magtanong kung may ginagawa sa taas ng condo building pero nakaramdam siya hanggang sa makarating siya sa 20th floor. Paglabas niya ngg ­elevator ay ­lumingon siya pero laking gulat niya ­nangilabot siya, wala pala siyang kasama, wala ang ­lalaking naka-itim na jacket sa loob.
Nangilabot si Ramil kaya’t halos mapatakbo siya patungo sa kanyang unit. “Multo ba yun, bakit nawala siya hindi naman siya bumaba?” Tanong ni Ramil sa kanyang sarili.
Sunod na pag-uwi niya ng madaling araw. Sinikap niyang sa ibang elevator siya sumakay paakyat ng condo para hindi niya maalala yung unang nakita niya.
Walang laman ang elevator kaya’t nagma­madali siyang sumakay, pero kalagitnaan ng pag-akyat ng elevator may itim na anino ­siyang nakita sa di kalayuan sa repleksiyon ng salamin sa pinakadulo at unti-unti itong ­papalapit sa kanya. Biglang nangilabot si ­Ramil at alam niyang multo nga ang nakikita niya sa sandaling iyon.
Tiyempong bago pa makalapit ang anino ay bumukas na ang pinto sakto sa 20th floor ng condo building, sabay labas ng elevator, Hindi na siya lumingon at nagmamadaling nagtungo sa kanyang unit.
Kitang-kita niya ang lalaking naka-jacket at may helmet sabay dinig niya ang katagang “tulungan mo ako…”
Hindi malaman ni Ramil ang gagawin ­dahil silang dalawa Lang ng multo ang nasa ­elevator at narinig pa niya ang boses ng lalaki. “Nahihirapan na ako tulungan mo ako.”
Sumagot si Ramil: “Anong tulong?” Ayaw niyang ipahalata na takot na siya. At biglang naglaho ang lalaki.
Kinabukasan nagtanong siya sa guwardiya At malaman niyang may construction worker ang na disgrasya nung ikinakabit ang elevator nang itayo ang condo building.
Totoong nangyayari ito pero kailangan ­lamang na ipagdasal para matahimik ang ­multo o kaluluwa. Kung malakas ang loob subuking kausapin ang multo.
Para sa inyong mga karanasang kakila-kilabot mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy