Una sa Balita

Horoscope 9/11/19

0 268

ARIES (March 21-April 19) – Mag-eenjoy ka ng husto ngayong linggong ito kung tatanggalin mo lang ang iyong hiya. Magpakatotoo sa iyong mga ­sasabihin at ­ikikilos. ‘Wag ­mag-alala ­dahil ito ay lubos na ­ikatutuwa ng mga taong nakapaligid sa‘yo. Lucky number for today: 24

TAURUS (April 20-May 20) – Kahit pa may pagkakaiba sa opinyon sa pagitan ng isang kapamilya hindi ito kailangang ­umabot sa awayan. Katahimikan at kapayapaan ang dapat mong i-achieve sa ngayon. Lucky ­number for today: 10

GEMINI (May 21-June20) – Maging ­maingat sa mga bibitawang salita. Maaaring ikasama ng loob ng isang mahal sa buhay ang mga maririnig mula sa‘yo. Mahihirapan kang bawiin ito. Lucky number for today: 36

CANCER (June 21-July 22) – Kailangan mong makapag desisyon sa lalong madaling ­panahon. Maaaring isipin ng ibang tao na ­hindi ka na interesado sa oportunidad na kanilang binibigay. Lucky number for today: 11

LEO (July 23-August 22) – Pagtuunan ng atensyon at ng oras ang lahat ng mga bagay na kinakaharap ngayon. ‘Wag ipagsawalang ­bahala kahit sa tingin mo ay maliit lang na isyu. ­Maaaring ito ang magdulot sa‘yo ng sakit ng ulo. Lucky number for today: 19

VIRGO (August 23-September 22) – Walang masama ang tumulong sa kapwa pero ‘wag silang sanayin na sa lahat ng ­pagkakataon ay nandiyan ka para sa kanila. Maging listo at ‘wag mong hayaang abusuhin ng iba ang ­kabaitan mo. Lucky number for today: 23­

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – ­Maging sensitibo sa iyong kapaligiran. Kung sa tingin mo ay may isang tao na hindi mo dapat pagkatiwalaan ay dumistansya na. Walang mawawala kung ikaw ay mag-iingat. Lucky number for today: 28

SCORPIO (October 23-November 21) – Iwasan ang paggamit ng marahas na salita kung may gustong sabihin. Mas mauunawaan ka nila kung malumanay at klaro mong ipapahayag ang iyong mga saloobin. Lucky number for today: 47

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Pasensya, ‘yan ang lubos mong ­kailangan sa araw na ito lalo na sa isang kaibigan. Mas mauunawaan mo siya kung ilalagay mo ang iyong sarili sa kanyang sitwasyon. Lucky ­number for today: 14

CAPRICORN (December 22-January 19) – ‘Wag mong masamain ang kritisismo ng iba. Matutong tanggapin nang maluwag sa loob na walang taong perpekto. Baguhin ang ­nararapat para mas mapabuti ang iyong sarili. Lucky ­number for today: 33

AQUARIUS (January 20-February 18) – ‘Wag mong ipagsawalang bahala ang mga ­maliliit na isyu sa mga susunod na araw. ­Mapapansin na unti-unting magbabago ang ­takbo ng iyong ­buhay. Lucky number for ­today: 38

PISCES (February 19-March 20) – ­Mag-ingat dahil may isang tao na ginagamit ka para sa kanyang pansariling interes. Piliin ng mabuti ang mga taong pagkakatiwalaan at ­tutulungan. Lucky number for today: 46

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy