Una sa Balita

Horoscope 7/23/18

0 276

ARIES (March 21-April 19) – Kaila­ngan mong maging mas creative pagdating sa iyong lovelife. Kung may nakikita kang pagkontra sa iyong mahal, dagdagan pa ang tiyaga. Huwag agad sumuko kung negatibo ang makuha mong resulta. Lucky number for today: 50

TAURUS (April 20-May 20) – Alam mo kung ano ang gustong marinig ng mga tao mula sa iyo. Ang tanong lamang ay kaya mo bang ibigay ang commitment na hanap nila? Magpakatotoo sa iyong sarili. Lucky number for today: 15

GEMINI (May 21-June 20) – Marami kang kailangang patunayan pero nakikita naman ng lahat ang effort na ibinubuhos mo. Anumang desisyon na kailangan mong gawin ay dapat gawin alinsunod sa iyong sariling kagustuhan at hindi dahil sa inaakala mong ito ang ini-expect mula sa iyo. Lucky number for today: 16

CANCER (June 21-July 22) – Masyado pang maaga para magbilang ng sisiw pero alam mong ginawa mo na ang lahat. Maghintay-hintay pa ng ilang araw bago makuha ang inaasam na resulta. Lucky number for today: 8

LEO (July 23-August 22) – Maaaring hindi maiwasan ang isang sensitibong sitwasyon. Kailangang makontrol nang husto ang bugso ng emosyon. Walang maitutulong ang galit sa halip lalo lamang nitong pag-aapuyin ang pangyayari. Lucky number for today: 49

VIRGO (August 23- September 22) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang tanggapin mo na lamang ang nangyari. Maaari ka pang ma­kagawa ng paraan para mabago ang lahat kung hindi ka komportable sa sitwasyon. Kailangan mo lamang laksan ang boses mo para marinig. Lucky number for today: 8

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Hindi kailanman maitatago ang katotohanan. Mapapatuna­yan mo ito sa araw na ito. Magtiwala na ang nangyayari ay magdudulot din ng positibong benepisyo sa dakong huli. Dagdagan pa ang paghihintay. Lucky number for today: 16

SCORPIO (October 23-November 21) – Nagdudulot sa iyo ng kasiyahan na nakikitang nalalapit nang makuha ang bunga ng pinagpaguran mo. Hindi pa rin ito ang oras para magrelaks. Ma­ging mapagbantay sa mga posibilidad. Lucky number for today: 7

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Magkakaroon ka ng mabigat na papel sa isang group situation. Bago ka ganap na magbitiw ng isang mabigat na desis­yon na makakaapekto sa marami, hintayin mo muna ang ilang mahalagang impormasyon. Walang dapat masa­yang na panahon. Lucky number for today: 57

CAPRICORN (December 22-Janua­ry 19) – Makikita mo ngayon ang importansya ng pagkakaroon ng back-up plan. Gayunpaman, huwag munang masyadong magpokus dito dahil kaya pang magtuloy-tuloy na orihinal mong plano. Lucky number for today: 15

AQUARIUS (January 20-February 18) – Posibleng kailanganin mong tutukan ang ilang tao sa paligid mo para makompleto ang isang plano. Iwasan lamang na makasakit ng damdamin ng iba dahil mahihirapan nang muling maibalik ang magandang samahan. Lucky number for today: 33

PISCES (February 19-March 20) – Sa isang maselang sitwasyon, kakailanganin mong mag-isip nang mabilisan at umaksiyon. Hindi puwede ngayon ang patulog-tulog. Mapag-iiwanan ka kung hindi makikipagsabayan. Lucky number for today: 1​