Una sa Balita

HOROSCOPE

0 442

ARIES (March 21-April 19) – Tanging ang pamilya ang magbibigay sa iyo ng suporta sa anumang oras na kailangan mo sila. Makinig sa kanilang mga payo at suhestyon. Maaaring hindi lahat katanggap-tanggap ang kanilang mga sinasabi ngunit alam mong ito’y para sa iyong kabutihan. Lucky number for today: 1

TAURUS (April 20-May 20) – May magandang pagkakataong ihahatid ng araw na ito para maisaayos ang ilang masalimuot na sitwasyon sa iyong buhay. Nasa mo­deration ang susi para malusutan ang mga ­aberya. Alalahaning­ ang lahat ng sobra ay nakakasama. Lucky number for today: 58

GEMINI (May 21-June 20) – Mas competitive ka sa araw na ito kumpara sa karaniwan. Mas kaya mo ring ipaglaban ang gusto mo. Iwasan lamang na may maapakan kang ibang tao para maisakatuparan ito. Lucky number for today: 10

CANCER (June 21-July 22) – Maaari kang magdalawang isip sa isang isyu na may kina­laman sa iyong lovelife. Bagama’t sigurado ka sa intensyon mo, makabu­buting ipagpaliban muna sa susunod na araw ang pagdedesisyon. Hinta­ying luminaw ang sitwasyon. Lucky number for today: 14

LEO (July 23-August 22) – May mga opsyon na mabubuksan ngayon. At kailangan mo agad pumili at nang makapag-umpisa. Isang taong may mataas na katungkulan ang makakatulong. Lucky number for today: 40

VIRGO (August 23- September 22) – Isang maliit na isyu na may kinalaman sa pera ang hindi maiiwasan. Kunin ang opinyon ng isang taong nakatatanda sa iyo. May importante kang malalaman. Lucky number for today: 6

LIBRA (September 23-October 22) – Isang malapit mong kaibigan ang may mala­king epekto sa buhay mo ngayong araw na ito. Posibleng malagay ka sa alanganing sitwasyon kung hindi mag-iingat. Lucky number for today: 17

SCORPIO (October 23-November 21) – Mas mabigat para sa iyo ngayon ang umaksyon pero dapat mo itong labanan dahil walang progresong makukuha kung maghihintay ka lamang. Makakadagdag sigla ang pagkakaroon ng bagong libangan. Lucky number for today: 29

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Magkakaroon ng malaking papel sa araw na ito ang isang dati mong katrabaho. May posibilidad din ang isang bagong partnership. Lucky number for today: 10

CAPRICORN (December 22-January­ 19) – Maaring makaapekto sa trabaho ang isang isyung may kinalaman sa emosyon. Huwag masyadong patangay sa drama. Kailangang maihiwalay mo ang trabaho sa personal na isyu. Lucky number for today: 57

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Hindi masamang maghinay-hinay sa mga ipinupursige mo. Makakatulong din ito para mabigyan ng kaunting pahinga ang isip. Alalahanin pa rin ang iyong kalusugan. Lucky number for today: 23

PISCES (February 19-March 20) – Mas madali kang madismaya sa araw na ito dahil sa mga hadlang sa iyong landas. Dagdagan pa ang pasensya at iwasang mag-init ang ulo. Kung hindi umubra ang mga plano, punta ka agad sa Plan B. Lucky number for today: 37

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy