Una sa Balita

HOROSCOPE 12/31/18

0 407

ARIES (March 21-April 19) – Alam mo ang iyong mga limitasyon kaya iwasan nang lagpasan­ pa ang mga ito. ‘Wag mangamba, sa effort na naibuhos mo ay hindi na nalalayo ang tagumpay.­ Lucky number for today: 11

TAURUS (April 20-May 20) – Sobra na ang enerhiyang naibuhos mo. Tiyakin din muna na ang pinagpapaguran mo nang husto ay tunay na karapat-dapat. Lucky number for today: 1

GEMINI (May 21-June 20) – Gaano man kahan­da ay may biglaang pagbabago sa iyong mga plano. Walang kasiguraduhan kung ano ang kahahantungan ng mga last minute changes. Lucky number for today: 31

CANCER (June 21-July 22) – Lahat ng relasyon ay posibleng manlamig kung hindi napag-uukulan ng sapat na atensyon. Habang may oras, gawin ang lahat para gawing espesyal ang araw na ito at ang mga susunod pa para sa iyong mahal. Lucky number for today: 19

LEO (July 23-August 22) – Importanteng ma-double check mo ang lahat ng iyong mga plano. Posibleng may kailangan ka munang baguhin bago ito ipatupad. Hingin ang opinyon ng iyong mahal. Lucky number for today: 20

VIRGO (August 23- September 22) – Anumang mangyayari ay deserve mo. ‘Wag katakutan ang bukas. Nagawa mo na ang mga dapat gawin. Dagdagan na lamang ang paghihin­tay. Lucky number for today: 1

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Nasa mood kang makipag­sapalaran pero hindi ito papaboran. Ipagpaliban ang anumang pagbabagong gusto mong gawin. Hintayin munang magpalit ang taon bago ang seryosong pagdedesisyon. Lucky number for today: 21

SCORPIO (October 23-November 21) – Iwasang magwori. Kailangan mo na ring palayain ang iyong sarili sa mga alaala ng nakaraan. Gamitin lamang ang na­tutunang leksyon at move on na ngayong ilang oras na lamang at magpapalit na ang taon. Lucky number for today: 39

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May bagong impormasyong matatanggap sa araw na ito. ‘Wag mangamba, positibo ito at maaa­ring maging daan para mas maging makulay ang iyong bagong taon. Lucky number for today: 16

CAPRICORN (December 22-January 19) – May tamang lugar at tamang panahon para sa lahat ng bagay. Anumang natatanggap mong biyaya ay deserve mo. Mag-enjoy sa mga bunga ng iyong pinagpaguran. Lucky number for today: 22

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Kailangan mong magpatupad ng ilang last minute na pagbabago sa isang importanteng plano. Makikiayon naman ang iyong partner kaya hindi ka mahihirapang kumilos. Lucky number for today: 51

PISCES (February 19-March 20) – Importanteng pagtuunan ng pansin ang mga isyung may kinalaman sa pananalapi. Sa pagpasok ng bagong taon, ikonsidera ang paghahanap ng bagong permanenteng pagkakakitaan. Lucky number for today: 1

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy