Una sa Balita

Horoscope 12/30/2018

0 255

ARIES (March 21-April 19) – Ma­ging matalino sa paggamit ng pera. Ang nakikita mong naka-sale ay maaaring hindi mo talaga kailangan. Sa halip na gumastos sa mga luho, hindi masamang magbigay na lamang sa mas nanga­ngailangan. Lucky number for today: 40

TAURUS (April 20-May 20) – Magpaka­totoo sa iyong sarili dahil hindi lahat ng nagpapakita ng kabaitan ay tunay na mabait. Alamin kung sino ang may ibang motibo bago hayaang mahulog ang iyong kalooban. Lucky number for today: 19

GEMINI (May 21-June20) – Hinga muna nang malalim. Maraming tensyong hatid ang araw na ito na maaaring konektado lamang sa holiday season. Umiwas sa mga argumento na magpapabigat lamang sa papasok na bagong taon. Lucky number for today: 12

CANCER (June 21-July 22) – Piliing mabuti ang mga sasabihin. Maari kang makasakit ng damdamin ng mga taong wala namang naging kasalanan kundi ang magmalasakit sa iyo. Umiwas nang maaga sa mga kontrobersyal na usapin. Lucky number for today: 20

LEO (July 23-August 22) – Mag-ingat sa paggastos. Malakas ang tukso na bumili ng kung ano-ano pero alalaha­ning marami panggastos ang puwedeng ihatid ng susunod na taon. Lucky number for today: 30

VIRGO (August 23-September 22) – ‘Wag masyadong paapek­to at ‘wag mag-aksaya ng oras sa mga kumokontra. Sa halip makinig sa mga loyal mong tagasuporta dahil sila ang tunay na nakakakilala sa iyo. Lucky number for today: 47

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – May mga sensitibong usapin na hindi na puwedeng iwasan. Pilitin lamang na maging kalmado habang nakikipagpalitan ng pananaw para maiwasan ang anumang samaan ng loob. Lucky number for today: 19

SCORPIO (October 23-November 21) – Sa araw na ito, kaila­ngan mong magsalita at sabihin kung ano ang tunay mong saloobin. Kailangan ding pairalin ang diplomasya upang hindi mawala sa iyong kontrol ang sitwasyon. Alalahaning may mga taong umaasa sa iyong desisyon. Lucky number for today: 14

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Umiwas sa anumang tensyon. Maaring mas maging emosyunal ka sa araw na ito lalo na sa mga isyung may kinalaman sa pamilya. Alalahaning hindi sila kalaban kaya lawakan pa ang pang-unawa at resolbahin na lamang anumang aber­ya. Lucky number for today: 42

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung hindi mag-iingat ang isang komento ay maaaring makasakit ng damdamin ng mga taong mahal mo kahit hindi ito ang iyong intensyon. Lumayo na lamang sa isang madramang sitwasyon kung hindi kayang pigilin ang reaksyon. Lucky number for today: 50

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ipo­kus ang iyong energy sa ibang aktibidad kesa tumutok at ma-involve sa drama ng buhay. Mas marami pa ring biyaya ang dapat ipagsaya lalo na ngayong papasok na ang Bagong Taon. Lucky number for today: 21

PISCES (February 19-March 20) – Hindi sa lahat ng oras ay makapagbibigay ka ng panahon sa mga taong nangangailangan ng iyong pag-alalay. May araw na kailangan mo munang magpahinga at magsabi ng ‘pass.’ Unahin muna ang iyong mga prayoridad. Lucky number for today: 9