Una sa Balita

Horoscope 12/29/2018

0 455

ARIES (March 21-April 19) – Mas lumulutang pa rin sa iyo ang ambisyon. May mga exciting na pagbibiyaheng puwedeng magkaroon ng katuparan. Sa aspeto ng romansa, ikaw ang magdadala para ilagay sa tamang mood ang iyong partner. Lucky number for today: 20

TAURUS (April 20-May 20) – Kailangan mong maging mas organisado. Isang bagong personalidad ang nagmamasid sa mga ginagawa mo. May pagbabagong puwedeng maganap sa aspeto ng iyong lovelife at positibo ang kaganapang ito. Lucky number for today: 35

GEMINI (May 21-June 20) – Mas buo ngayon ang loob mo na gumawa ng malalaking pagbabago para makamit ang iyong personal goals. Sa lovelife, hindi laging romansa ang pokus ng araw. Dagdagan pa ang pang-unawa sa iyong partner. Lucky number for today: 41

CANCER (June 21-July 22) – Paborable ang araw na ito para makipagkonek sa mga taong napalayo sa iyo. Hindi masamang maunang magsabi ng sorry. May parating ring magandang oportunidad para sa aspeto ng pananalapi. Lucky number for today: 37

LEO (July 23-August 22) – Ang isang da­ting pinapangarap mo lamang sa iyong lovelife ay ilalapit sa iyo sa araw na ito. Huwag munang kontrahin ang takbo ng mga pangyayari at maghanda sa mga sorpresang ihahatid nito. Lucky number for today: 55

VIRGO (August 23- September 22) – Kalimutan na muna ang mga sentimentalidad. Piliing maging praktikal pagdating sa aspeto ng iyong lovelife. Kakaila­nganin mong magbaba ng isang sensitibong desisyon. Lucky number for today: 49

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Kung wala ka pang commitment sa pag-ibig, may magandang oportunidad sa araw na ito. Isang indibidwal na mahilig sa sports ang ilalapit sa iyo. Sa mga may partner na, mara­ming bagong paraan para muling maging mainit ang romansa. Lucky number for today: 56

SCORPIO (October 23-November 21) – Kung ibinibigay mo nang lahat sa iyong partner, maaaring makaramdam siya ng pagiging useless sa inyong relasyon. Ma­kabubuting itrato siyang kapantay mo at bigyan ng pagkakataong kumilos ayon sa kanyang kagustuhan. Lucky number for today: 29

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May pagdedesisyon na kailangang gawing sa aspeto ng iyong lovelife at maging sa pamilya. Maaring magbukas ito sa iyong bagong lifestyle o kailanganin ang pag­lipat ng lugar. Hindi rin nalalayo ang isang pagbibiyahe. Lucky number for today: 28

CAPRICORN (December 22-January 19) – May bagong plano para sa iyong lovelife. Posibleng kailanganin mong pumili sa relasyon at sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan. Isang bagong project din ang ilalapit sa iyo at hindi mo ito dapat palagpasin. Lucky number for today: 27

AQUARIUS (January 20-February 18) – May pagkakasalungat ng ideya pagdating sa pamilya. Posibleng may kinalaman ito sa isang bagong bahay o bagong pagkakakitaan. Sa ilang pagpaplano, kailangang lawakan ang pang-unawa upang hindi magbanggaan ang mga pananaw. Lucky number for today: 53

PISCES (February 19-March 20) – Mas malayo ang mararating mo dahil sa iyong ambis­yon. Kailangan mo itong maipaunawa sa iyong partner sa buhay bago pa man pag-umpisahan ng hindi pagkakaunawaan. Lucky number for today: 11

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy