Una sa Balita

Horoscope 12/26/2018

0 399

ARIES (March 21-April 19) – Mag-ingat­ sa mga sinasabi ngayon. Posibleng ang isang komentong masabi mo ay hindi matanggap at ikasama ng loob ng taong kaharap mo. Sarilinin na lamang muna ang iyong mga obserbasyon. Alala­haning mas emosyonal ang mga tao kapag Kapaskuhan. Lucky number for today: 46

TAURUS (April 20-May 20) – Ang isang nagawa mo noong mga unang bahagi ng taon ay magpapakita na ng resulta. Walang dapat ipa­ngamba dahil kung batid mong kabutihan ang mga naging prayoridad mo ay pawang positibo ang aanihin ngayon. Lucky number for today: 19

GEMINI (May 21-June 20) – Mas kumpiyansa kang naroon ka na sa tamang direksyon ng buhay. Kailangan mo lamang maging mas praktikal at darating ang araw na marami kang matutulungan. Ituloy lamang ang mga nasimulan. Lucky number for today: 58

CANCER (June 21-July 22) – Sinumang magtangkang sirain ang iyong mga espesyal na araw ay mabibigo. Pumapabor ang araw na ito at ang mga susunod pa para magawa ang iyong mga plano. La­ging gawing prayoridad ang mga mahal sa buhay kapag ganitong panahon. Lucky number for today: 16

LEO (July 23-August 22) – Hindi puwedeng iasa ang mga pangyayari sa pagkakataon. Ang lahat ng nagaganap ay alinsunod sa mga pagsisikap mo. Ituloy lamang ang effort at hindi ka mabibigo sa mga ibubunga nito. Lucky number for today: 15

VIRGO (August 23- September 22) – Alam mo kung ano ang mga goal mo sa buhay. May mga distraksyon lalo na ngayong holidays. Mag-enjoy muna sa mga kasiyahang nasa iyong paligid. Makapaghihintay ang mga seryosong bagay. Lucky number for today: 56

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – ‘Wag masyadong mag-worry. May mga aberya mang nangyayari sa ilang plano, darating ang araw na mapapatunayan mong nagaganap ang lahat ng ito para ilagay sa tamang direksyon ang lahat. Manatiling positibo. Lucky number for today: 10

SCORPIO (October 23-November 21) – Kaya mong ipihit ang anumang sitwasyon tungo sa mas magbibigay sa iyo ng mga benepisyo. Ma­ging praktikal sa bawat pagdedesisyon. Hindi rin dapat balewalain ang kagustuhan ng iyong pamil­ya. Lucky number for today: 11

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kung hindi mo nagawa ang lahat ng plano mong tapusin, hindi pa rin ito dapat maging dahilan para magdilim ang iyong pananaw. Ilang araw lamang ang kaabalahang dulot ng holiday season, makakabawi ka kapag tapos na ang mga kasiyahan. Lucky number for today: 54

CAPRICORN (December 22-January 19) – Sa isang mahirap na sitwasyon, kailangan mong sabihin ang katotohanan kahit na maging dahilan ito para masaktan ang isang taong malapit sa iyo. Mas mabuti nang sa iyo niya malaman ang lahat kaysa ibang tao pa. Walang maitutulong ang pagtatakip. Lucky number for today: 13

AQUARIUS (January 20-February 18) – Huwag masyadong sisihin ang iyong sarili kung may nagawa kang kapalpa­kan. I-enjoy mo lamang ang holiday season. Alalahanin na lahat ng tao ay nagkakamali. Tandaan na lamang ang aral na iniwan ng karanasang ito. Lucky number for today: 51

PISCES (February 19-March 20) – Patapos na ang taon, bigyan muna ng pahinga ang sarili para makapag-recharge. Bigyan ng panahon ang mga taong nagmamahal sa iyo. ‘Wag ding balewalain ang mga isyung may kinalaman sa kalusugan. Lucky number for today: 46

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy