Una sa Balita

Horoscope 12/14/2019

0 345

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mara­ming balakid sa mga iniisip mong plano. Ang pag- aalala nang sobra ay hindi mabuti. Kumilos upang makita ang resulta ng iyong pinaplano. Lucky number for today: 35

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ang pagkakaroon mo ng mataas na ambisyon ang nagpapalakas sa ‘yo kapag napapagod ka na. Ang pagiging madiskarte ay taglay mo kaya magtatagumpay ka. Lucky number for today: 17

AQUARIUS (Ja­nuary 20-February 18) – Hindi mo kailangang magbago upang makisama sa mga kasamahan. Ipakita ang tunay na pag-uugali nang madali ka nilang matanggap sa grupo. Lucky number for today: 41

PISCES (February 19-March 20)- Huwag palampasin ang mahahalagang pangyayari sa mga mahal mo sa buhay. Ang iyong presensya ay lubos na nagpapasaya sa kanila. Lucky number for today: 1

ARIES (March 21-April 19) – Isaalang-alang ang mga sa­litang sasabihin mo. Pigilan na makasa­kit ng kapwa. Mas maganda ang maraming kaibigan kaysa kaaway.Lucky number for today: 46

TAURUS (April 20-May 20) – Huwag sa­rilinin ang problema maraming tutulong sa ‘yo. Mas mapapadali ang lahat kung magtutulu­ngan. Lucky number for today: 34

Related Posts

GEMINI (May 21-June 20) – Marami kang iniisip sa ngayon at hindi mo na kayang makipag-usap. Ibahagi ang iyong iniisip sa taong pinagtitiwalaan upang malaman nila ang gusto mo. Lucky number for today: 24

CANCER (June 21-July 22) – Sobra ang iyong pag-aalala para sa hinaharap. Hindi dapat ito seryosohin sapagkat matatag ang kasalukuyang estado ng iyong pamumuhay.Lucky number for today: 44

LEO (July 23-August 22) – Iwasan ang mangako kung hindi rin naman ito kayang matupad. Dagdagan pa ang oras na nilalaan para sa mga mahal mo. Lucky number for today: 5

VIRGO (August 23-September 22) – Ang paghihintay ng tamang oras ang nagpapabagal sa pag-asenso mo sa buhay. Ang pakikihalubilo para sa mara­ming oportunidad na dadarating ay makakabuti. Lucky number for today: 25

LIBRA (September 23-October 22) – Huwag ipagyabang sa iba kung ano ang meron ka. Mas mabuti pa rin ang pagpapakumbaba at ang ma­buting pakikisama sa iba. Lucky number for today: 43

SCORPIO (October 23-November 21) – Madali mong maunawan ang ibang tao dahil bukas ang iyong pag-iisip tungkol dito. Madali sa ‘yo ang magpatawad kaya marami kang kaibigan. Lucky number for today: 12

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy