Una sa Balita

Horoscope 12/13/2019

0 476

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Ang mga bagong ideya ang magbibigay sa ‘yo ng pagkakataong isakatuparan ang iyong plano. Unahin ang alam mo at hindi na importante ang bawat detalye nito. Lucky number for today: 45

CAPRICORN (December 22-January 19) – Subukan ang mga gawain na hindi mo nakasanayan. Ito ay magpapalago sa iyong kaalaman, magdudulot ng kabutihan sa pangkalahatan. Lucky number for today: 56

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mabuti nga­yong kumilos kaysa magbigay ka ng opinyon. Ang kabutihan ng loob ang mas importante kaysa makipagtalo sa mga kasamahan. Lucky number for today: 36

PISCES (February 19-March 20) – Likas sayo ang pagiging matulungin sa kapwa. May mga tao na ayaw makinig sa payo mo. ‘Wag na silang pag-aksayahan ng panahon at piliing tulungan ang mas nangangailangan sa iyo. Lucky number for today: 40

ARIES (March 21-April 19) – Huwag sari­linin ang problema lalo na tungkol sa pera. Mas makakabuti kung hihingi ng tulong sa iba upang mapagaan ang anumang pinagdaraanan. Lucky number for today: 49

TAURUS (April 20-May 20) – Magandang makinig sa opinyon ng iba dahil marami kang matututunan. Ang isang mabuting lider ay mahusay ding makinig at handang malaman ang mga bagay-bagay sa paligid. Lucky number for today: 50

Related Posts

GEMINI (May 21-June 20) – Magtanong upang makahanap ng marami pang impormasyon. Gamitin ang iyong karisma sa tao para makuha ang kanilang tiwala at makuha ang nais mo. Lucky number for today: 13

CANCER (June 21-July 22) ­– Magiging aba­la sa mga susunod na araw. Huwag kalimutan na bigyan ng oras ang sarili. Ikaw ay mas mahalaga kaysa sa anumang bagay na meron­ ka. Lucky number for today: 27

LEO (July 23-August 22) – Hindi mo man gusto na makisala­muha sa iba ngayon ay kailangan mong gawin. Halos lahat ng katrabaho mo ay gusto na makipag­lapit sa iyo. Isa sa kanila ang may ibang motibo. Lucky number for today: 41

VIRGO (August 23-September 22) – Bukas ang iyong pag-iisip sa mga kritisismo na iyong naririnig. Ang pagiging positibo ang nagiging sandata mo para maging mas maganda ang pagharap mo sa buhay. Lucky number for today: 52

LIBRA (September 23-October 22) – Huwag mong tanungin ang sarili sa kakayahan na meron ka. Meron lang mga tao na hindi maru­nong tumanaw ng utang na loob. ‘Wag kang masyadong paapekto. Lucky number for today: 42

SCORPIO (October 23-November 21) – Labis ang oras ng iyong pagtatrabaho at sobra ang pagod na nararamdaman. Maglaan ng oras na makapagpahinga para maging mas maayos ang gawain. Lucky number for today: 35

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy