Una sa Balita

Horoscope 12/12/2019

0 345

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Marami kang opinyon at ang ilan ay dapat isarili na lamang. Iwasan ang maging madaldal baka masabi ang mga dapat ay sikreto lamang. Lucky number for today: 22

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ang iyong imahinasyon ang magbibigay ng magandang direksiyon sa buhay. Bigyan ang sarili ng oras at maging positibo sa buhay. Lucky number for today: 4

AQUARIUS (January 20-February 18) – Magiging maayos ang takbo ng iyong buhay ngayon. Isama ang mga mahal sa buhay sa pagplaplano mo, makakatulong din sila na maging maayos ang takbo nito. Lucky number for today: 1

PISCES (February 19 – March 20) – Itigil ang pag-iisip tungkol sa nais mong gawin at gawin na lang ito. Huwag hayaan na lumipas na lang ang mga bagay na nais mong gawin sayang ang panahon. Lucky number for today: 47

ARIES (March 21-April 19) – Huwag matakot sa isang tao na akala mo ay may balak na labanan ka. Kabaligtaran ito ng iyong iniisip isa siyang kaibigan na nais kang protektahan. Lucky number for today: 23

TAURUS (April 20-May 20) – Maraming oportunidad ang dadating sayo ngayong linggo. Huwag ipag balewala ang mga pagkakataong ganito minsan lang ito darating sa buhay mo. Lucky number for today: 32

Related Posts

GEMINI (May 21-June20) – Ibigay mo ang magandang impresyon sa mga tao na meron ka. Kahit nasaan ka man ay mag-iiwan ka ng magandang katangian na taglay mo. Lucky number for today: 33

CANCER (June 21-July 22) – Matatapos ang araw na ito na hindi nakikipag-away sa taong mas mataas ang posisyon sa trabaho. Mabuti na makitungo ng maayos sa mga taong nakakasalimuha. Lucky number for today: 16

LEO (July 23-August 22) – Hindi mo makukuha ang sagot sa iyong katanungan sa ibang tao.Manatiling mahinahon upang mapagtanto mo ang sagot sa iyong katanungan na ikaw lang ang nakakaalam. Lucky number for today: 34

VIRGO (August 23-September 22) – Dapat na malaman mo ang iyong prayoridad sa kabila ng pagiging abala. Kailangan lang ng disiplina sa sarili ng makamit ang gusto mo. Lucky number for today: 53

LIBRA (September 23-October 22) – Walang katapusan ang iyong mga plano at pagtatrabaho. Kailangan lang na mamili sa mga planong ito at seryosohing mabuti ng makamit ang ang iyong gusto. Lucky number for today: 46

SCORPIO (October 23-November 21) – May mga pagbabago na hindi mo makontrol at huwag kainisan ito. Ang mangyayari ay mangyayari gawing­ masaya ang sarili at iwasan ang magalit. Lucky number for today: 55

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy