Una sa Balita

Horoscope 12/11/2019

0 312

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Magagandang ideya ang dumara­ting sa‘yo ngayon. Subukan mong gawin ang mga hindi mo nakasanayan at huwag makinig sa sinasabi ng iba. Lucky number for today: 10

CAPRICORN (December 22-January 19) – Malakas ang iyong intuition kaya madalas ay nararamdaman mo ang isang mang­yayari pa lamang. Magagamit mo ito ngayon sa iyong sarili para maiwasan ang mga aberya. Lucky number for today: 18

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ang planetang Mercury ay magbibigay ins­pirasyon ngayon na mag-isip ka ng higit pa sa iyong inaakala. Marami na ang tumitingala at kumikilala sa kakayahan mo pero mas higit pa ang iyong kakayahan. Lucky number for today: 52

PISCES (February 19 -March 20) – Maraming bagay ang gumugulo sa iyong isipan sa nga­yon. Huwag pagtuunan ng oras ang mga nega­tibong bagay at panatili­hing positibo ang pagtingin sa mundo. Lucky number for today: 32

(ARIES (March 21-April 19) – Meron ng sagot sa iyong mga katanungan. Pakinggan ang isinisigaw ng iyong puso at huwag ang sinasabi ng iba lalo na kung sariling kaligayahan ang nakataya. Lucky number for today: 9

TAURUS (April 20-May 20) – May magbabalik mula sa nakaraan at makakagulo ito sa takbo ng iyong buhay. Kailangan lang hara­pin mo ito dahil ang katotohanan ang magpapalaya sa ‘yo. Lucky number for today: 15

Related Posts

GEMINI (May 21-June 20) – Ang plane­tang Mercury ang gagabay sa ‘yo ngayon kaya mas mapapadaling makipag-usap sa mga tao. Hindi lamang ang mga malapit sa‘yo ang dapat kausapin. Subukan mo rin ang iba at may matututunan ka. Lucky number for today: 20

CANCER (June 21-July 22) ­– Maghanap ng paraan na mabawasan ang iyong mga gawain. Magbibigay ng ideya ang isang pangyayari ngayon. Kailangan mong maging mas organisado. Lucky number for today: 12

LEO (July 23-August 22) – Maraming gustong makipagkaibigan sa iyo at ito’y dahil mas popular ka ngayon. Huwag lamang itong ikalalaki ng ulo. Lucky number for today: 3

VIRGO (August 23-September 22) – Pakinggan ang iyong kutob at huwag magtiwala agad sa iba. Kung inaakala mo na hindi ka nila ipagkakanulo ay nagkakamali ka. Mag-ingat sa pakikisalamuha sa iba. Lucky number for today: 30

LIBRA (September 23-October 22) – Marami kang ideya sa ngayon. Kailangan lang mamili ng isa o dalawa sa iyong mga ideya upang maisakatuparan ang mga ito. Lucky number for today: 43

SCORPIO (October 23-November 21) – Ikaw ang gumagawa ng sariling mong suwerte.­ Kilalanin mo ang iyong sarili at gumawa ng sariling pangalan. ‘Wag mong i-pattern sa buhay mo dahil ikaw ang gumagawa ng iyong kapalaran. Lucky number for today: 57

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More