Una sa Balita

Horoscope 12/10/2019

0 579

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Pag-isipang mabuti bago kumilos sa isang bagay na magkakaroon ka ng maraming pera. Ang mga planeta ay nagbibigay ng babala hindi dapat isugal ang lahat. Lucky number for today: 16

CAPRICORN (December 22-January 19) – Iilan lamang ang nakakakita sa iyong mga ginawa nitong nagdaang buwan. Kailangan na ipaalam ito sa lahat upang purihin ka sa iyong mga magagandang nagawa. Lucky number for today: 6

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mas pagbutihin pa ang iyong trabaho pero kailangan din magbigay ng oras para sa sarili. Balansehin ang oras upang hindi mapagod. Lucky number for today: 46

PISCES (February 19-March 20) – Mapapansin ka ng mga kaibigan at kapamilya sa mga kinikilos mo nga­yon. Hindi lahat ay tungkol sa iyo. Mas bigyang importansya ngayon ang ibang tao. Lucky number for today: 52

ARIES (March 21-April 19) – Nakikiayon sa iyo ang kapalaran ngayong araw na ito pero sa isang pagkakamali ay maaring mabago ang ihip ng hangin. Ma­ging maingat sa sinasabi at ginagawa. Lucky number for today: 40

TAURUS (April 20-May 20) – Ang araw ang magbibigay sayo ng lakas upang magampanan ang trabaho. Oras na upang tumaas pa ang iyong posisyon dahil sa taglay mong talento. Lucky number for today: 32

Related Posts

GEMINI (May 21-June20) – Tiyakin na may magandang empresyon ang mga boss mo sa ‘yo. Posible matakatanggap ng promosyon o pagtaas ng suweldo sa trabaho. Lucky number for today: 37

CANCER (June 21-July 22) ­– May pagbabago sa pagtingin mo ngayon sa mundo. Mabuti ang mga ito para sa pagdating ng bagong taon tuluyang mababago ang pagtingin mo sa buhay. Lucky number for today: 2

LEO (July 23-August 22) – Kailangan nang simulan ang matagal ng pinaplanong proyekto. Maglaan ng oras para sa kinakailangang detalye at masimulan ito bago matapos ang taon. Lucky number for today: 15

VIRGO (August 23-September 22) – May pagmamahal ka sa iyong gawain ngunit huwag ibigay ang lahat para dito. Ang bawat ginagawa ay dapat may layunin at iwasan na masira ang buhay dahil dito. Lucky number for today: 42

LIBRA (September 23-October 22) – Gumawa ng paraan na ang iyong kahinaan ay maging iyong lakas. Kailangang itama ang iyong mga pagkakamali. Humi­ngi ng patawad kung meron kang nasaktan. Lucky number for today: 44

SCORPIO (October 23-November 21) – Mahalaga ang pera at ang mga pag-aari ngunit huwag ha­yaan na umikot ang buhay mo dito. Ang pinakamahalaga pa rin ay ang relasyon mo sa mga mahal mo sa buhay. Lucky number for today: 50

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More