Una sa Balita

Horoscope 12/09/2019

0 333

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kaila­ngan mo nang umaksyon sa isang plano na napakatagal mo nang pinag-iisipan. Kung hindi ka makakapag-umpisa ay malabo na itong maging katotohanan. Lucky number for today: 53

CAPRICORN (December 22-January 19) – Walang dapat ikahiya sa iyong mga kahinaan. Ang importante ay natuto ka at gumagawa ng paraan para ito’y masolusyonan. Lucky number for today: 17

AQUARIUS (January 20-February 18) – May mababago sa iyong pananaw. Positibo ang magigig epekto ng pagbabagong ito na kakailanganin mo sa mga araw na darating. Lucky number for today: 19

PISCES (February 19-March 20) – Magpakita ng magandang ehemplo ngayon. May malaki kang maitutulong sa isang mas bata sa iyo. Lucky number for today: 32

(ARIES (March 21-April 19) – Mas kaya mong igiit ngayon ang iyong kagustuhan sinuman ang iyong kaharap. Patuloy na magtiwala sa sarili dahil sukat mo ang iyong kakayahan. Lucky number for today: 47

TAURUS (April 20-May 20) – Ang iyong kalusugan ang dapat maging pokus ng araw mo. ‘Wag balewalain ang mga nararamdaman. Lucky number for today: 1

Related Posts

GEMINI (May 21-June 20) – Pag-ukulan ngayon ng atensyon ang iyong pakikipagrelasyon sa mga kaibigan, kapamilya at lalo na sa iyong partner. Hindi lamang sarili mo umiikot ang mundo. Lucky number for today: 14

CANCER (June 21-July 22) – Hindi masamang magbuhos ng konsentrasyon sa trabaho. Ang mali ay kung nakakaligtaan mo na ang ibang aspeto ng buhay dahil sa trabaho. Balansehin ang oras. Lucky number for today: 28

LEO (July 23-August 22) – Mas mangingibabaw ngayon ang iyong artistic side. Magagamit ito sa isang malaking proyekto. Lucky number for today: 31

VIRGO (August 23-September 22) – Inspirado kang mag-effort sa isang matagal mo nang pinag-iintersang gawin. Hindi nga lamang sasang-ayon ang lahat. Lucky number for today: 48

LIBRA (September 23-October 22) – Hindi lahat ay nakakabatid ng iyong mga na-achieve sa mga nagdaang araw. Hindi masamang liwanagin ito sa ilang importanteng tao sa buhay mo. Lucky number for today: 51

SCORPIO (October 23-November 21) – Mag-isip muna nang husto sa isang transaksyong magbibigay sa iyo ng malaking pera. Dahil sa isang pagkakamali, posible ring ito ang maging dahilan para mawalan ka ng pera. Iwasang sumugal. Lucky number for today: 42

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy