Una sa Balita

Horoscope 12/08/19

0 328

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Maaaring magtalo ngayon ang puso at isip mo sa ganitong sitwasyon, kaila­ngan mong magpasaklolo sa isang taong mas may malawak na karanasan.Lucky number for today: 27

CAPRICORN (December 22-January 19) – Makiayon muna sa agos ng mga pangyayari. May kalituhan kang nararamdaman at mahihirapan kang suma­lungat. Lucky number for today: 13

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kung kumbinsido ka sa ideya mo, panindigan ito at ipaglaban. Hindi na importante kahit may kumokontra. Lucky number for today: 58

PISCES (February 19-March 20) – Mahihirapan kang iwasan ang isang tensyonadong sitwasyon. Posible rin ang isang komprontasyon. Iwasan lamang na masyadong makasakit ng damdamin ng iba.Lucky number for today: 28

ARIES (March 21-April 19) – Hindi ka dapat magpanggap na wala kang pakialam at hindi nag-aalala sa isang partikular na indibidwal dahil alam.mo kung gaano siya kahalaga. Pero iwasan laman na ibuhos mo na sa kanya ang lahat ng atensyon. Balansehin lamang. Lucky number for today: 29

TAURUS (April 20-May 20) – Masakit ang katotohanan pero kailangan mo itong sabihin sa isang taong malapit sa puso mo. Hindi mo siya matutulungan kung patuloy mo siyang ibebeybi. Lucky number for today: 5

Related Posts

GEMINI (May 21-June 20) – Kung hindi ka komportable sa isang sitwasyon at nararamdaman mong merong mali, kailangan mo itong aksyunan. Hindi dapat maging kampante lalo na kung matataas na tao ang kaharap mo. Lucky number for today: 1

CANCER (June 21-July 22) – Kontrolin ang emosyon. Hindi lahat ng tao ay nakakaunawa sa nararamdaman mo. Lucky number for today: 34

LEO (July 23-August 22) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat mong pagbigyan ang ibang tao. Kung meron ka nang nabuong desisyon at matagal mo itong pinag-isipan kailangan mong manindigan. Lucky number for today: 46

VIRGO (August 23- September 22) – Hindi ka mananalo ngayon sa anumang diskus­yon na may kinalaman ang isang taong nasa mas mataas na posisyon. Piliing manahimik at palipasin muna ang inis. Pairalin ang diplomasya. Lucky number for today: 12

LIBRA (September 23-October 22) – Masusubukan ang husay mo sa pag-organisa ngayong araw na ito. Pero iwasan namang masyadong magpagamit sa ibang tao. Lucky number for today: 51

SCORPIO (October 23-November 21) – Kahit nasa tama ka, maaari ka pa ring matalo ng isang taong mas malakas sa iyo. Piliin muna ang umatras kaysa mapasubo sa ala­nganing sitwasyon. Lucky number for today: 52

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More