Una sa Balita

Horoscope 12/07/2019

0 314

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – ­Iwasan ang pagsusungit ­dahil hindi ito maganda sa negosyo. ­Anumang pinagdaraaanan, ­pilitin pa rin ngumiti sa ­umaga upang maging mas ­masaya ang iyong buong araw. Lucky number for today: 6

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ang pakiramdam mo ngayon ay nag-iisa ka lang sa buhay. Luma­bas ng bahay at makisa­limuha dahil merong handang makinig para tulungan ka. Lucky number for today: 30

AQUARIUS (Ja­nuary 20-February 18) – Merong mga pangyayari na hindi tama sa iyong pani­ngin. Ang mga ­gawaing ito ang ayaw mong ­tularan at pilit na ­iniiwasan ­dahil ­mabuti kang tao. Panindigan ang iyong mga prinsipyo. Lucky number for today: 10

PISCES (­February 19-March 20) – ­Huwag iasa sa iba ang iyong gawain kung ayaw mong ­maging ­magulo ito. Mas ­magiging maayos ang resulta kung ikaw mismo ang gagawa ng iyong tungkulin. Lucky number for today: 9

ARIES (March 21-April 19) – ­Magiging abala ka sa araw na ito. Bigyan pa rin ang sarili ng konting oras na makapagpahinga upang maging mas maayos ang pagtra­trabaho. Lucky number for today: 4

TAURUS (April 20-May 20) – May ilang tao na gustong subukan ang iyong ­pamumuno. Hindi sila magtatagumpay sa kadahilanang mas maga­ling kang mamuno at makisama kaysa sa ­kanila. Lucky number for today: 18

Related Posts

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi mo dapat sisihin ang iyong sarili sa mga nangyari. Hindi lamang ikaw ang gumawa nito at ­hindi mo naman ito sinadya. Walang rason na ­sisihin ang sarili. Lucky number for today: 36

CANCER (June 21-July 22) – Alam mo na ang pera ay ­importante sa uri ng buhay na meron ka. Kailangan mo lang na dag­dagan pa ang ­sipag upang ito ay iyong mapagyaman. Lucky number for today: 4

LEO (July 23-August 22) – Medyo ­nahihirapan ka sa iyong trabaho. Kailangang magdoble sikap upang makayanan ito.‘Wag mangamba dahil sa huli ay ikaw ang aani ng tagumpay. Lucky number for today: 50

VIRGO (­August 23-September 22) – May mga mahihirap na ­sitwasyon na makakalimutan mo na lang. ­Hindi kasi ­lahat ng ­bagay ay ­dapat ­ipag-alala dahil ito ay lilipas din. Lucky number for today: 11

LIBRA (September 23-October 22) – Hinhayaan mo ang iba na magkaroon ng ­sarili nilang pagpapasya. Sa pagkakataong ito ay kailangan mo silang gabayan sa pagdede­sisyon upang ­maging maayos ang lahat. Lucky number for ­today: 20

SCORPIO (October 23-November 21) – Huwag mag-isip ng anumang negatibo sa paligid mo. ­Kailangan mong siguraduhin na maging masaya lalo na ang mga mahal mo sa buhay. Lucky number for today: 3

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy