Una sa Balita

Horoscope 12/06/2019

0 344

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May mga bagay man na nakaka­pagpalungkot sayo pero kailangan mo ng isantabi ang mga ito. Maraming oportunidad ang naghihintay sayo. Lucky number for today: 18

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mapapansin na madali mong nakukuha lahat ng mga bagay na naisin maging sa traba­ho man o sa personal na buhay. Hayaan mo ang mga tao na gustong tumulong sa ‘yo. Lucky number for today: 7

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 19) – ‘Wag masyadong kampante sa iyong sarili. Lahat ng sobra ay masama. Kailangan mo ng tamang balanse sa buhay. Lucky number for today: 16

PISCES (February­ 20-March 20) – Maaaring panghinaan ka ng loob ngayong araw na ito. Makakatulong na paligiran ang sarili ng mga masayahin at positibong tao. Lucky number for today: 1

ARIES (March 21-April 19) – Maraming pagkakataon ang darating sa’yo para maipakita ang iyong angking husay at galing.­ Mapapabilib at hahanga ang mga tao sa paligid mo. Lucky number for today: 21

TAURUS (April 20-May 20) – ‘Wag mong limitahan ang sarili sa pag-abot sa’yong mga pangarap. Malaki at malawak ang mundo. Tiyaga at tiwala lang sa sarili ang kailangan. Lucky number for today: 29

Related Posts

GEMINI (May 21-June 20) – Panahon na para mag-ipon. Matu­tong magtipid at maging praktikal. Maari ka pa rin mag-enjoy mg ‘di gumagastos ng malaki. Mag-research ng mga budget friendly na promos para tuloy pa rin ang saya. Lucky number for today: 3

CANCER (June 21-July 22) ­– Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandiyan ang iyong pamilya para gumabay at sumuporta sa’yo. Kailangan mong matutunan na tanging sarili mo lang ang maasahan mo sa lahat ng oras. Lucky number for today: 21

LEO (July 23-August 22) – Inaasahan ng iyong mga katrabaho at boss na magiging successful ang iyong proyekto. ‘Wag mong hayaang mapabayaan mo ang iyong sariling kalusugan. Lucky number for today: 2

VIRGO (August 23-September 22) - Kailangan mong ipakita sa taong mahal mo na mahalaga siya. Maglaan ng panahon at oras para sa kanya. Lucky number for today: 39

LIBRA (September­ 23-October 22) – Maaaring magkaroon ka ng ‘di pagkakaunawaan sa isang tao. Maging maingat dahil magdudulot ito ng ‘di magandang resulta. Maging mabait sa lahat kahit sa mga taong hindi mo gusto. Lucky number for today: 33

SCORPIO (October­ 23-November 21) – Maging positibo ngayong araw na ito. Maraming kang magagandang katangian na dapat mong ipagmala­ki. Lucky number for today: 25

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy