Una sa Balita

Horoscope 12/04/2019

0 479

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – ­Mahirap ­panindigan ang paniniwala mo lalo na kung nasa ­pugad ka n oposisyon. Makabubuting manahimik muna at palipa­san ang tensyon. Lucky number for today: 51

CAPRICORN (December 22-­January 19) – ­Mapipilitan ka ngayong baguhin ang isang plano. Ito’y ­dahil sa isang ­maimpluwensyang tao sa harap mo. Wala ka sa posisyon para ­kumontra. Lucky number for today: 57

AQUARIUS (January 20-February 18) – Wala sa iyo ang kontrol ngayon. Kahit ­sarili mo ay hindi mo kayang pigilan. Mas ­magiging madali ang lahat kung makikiayon muna sa agos. Lucky number for today: 35

PISCES (February 19-March 20) ­–Tila wala kang kapaguran ngayon. Gaano man ­kadami ang kailangan mong gawin, hindi ka mauubusan ng enerhiya. May inspirasyon sa paligid. Lucky number for today: 16

ARIES (March 21-April 19) – Bigyang importansya ngayon ang iyong reputasyon lalo na sa harap ng mga importanteng tao sa ­buhay mo. Anumang maling akala ay ­mahihirapan kang itama. Lucky number for today: 32

TAURUS (April 20-May 20) – ‘Wag agad maniwala sa mga sabi-sabi. Isang maririnig mo ngayon ang magpapakulo sa iyong dugo. ­Sikaping maging kalmado dahil hindi mo alam ang puno’t dulo. Lucky number for today: 53

Related Posts

GEMINI (May 21-June 20) – Sarilinin muna anuman ang iyong mga plano. May ilan indibidwal na kokontra kaya ‘wag silang bigyan ng pagkakataong maunahan ka. Lucky number for today: 57

CANCER (June 21-July 22) – ­Pumapabor sa iyo ang mga pangyayari ngayon. Lahat at kaya mong balansehin. Maaari ka ring ­maging bida sa paningin ng nakararami. Lucky number for today: 29

LEO (July 23-August 22) – ­Umiwas muna sa mga taong mahilig magpabida. ­Maaaring hindi mo kayanin ang kanilang mga sinasabi at makapagsalita ka ng hindi ­maganda. Piliin munang dumistansya. Lucky number for today: 36

VIRGO (August 23-September 22) – Paborable ngayon na makipag-usap sa mga bagong kakilala. Marami kang matututuhan sa kanila kaysa mga taong matagal mo nang kasama. Lucky number for today: 38

LIBRA (September 23-October 22) – Normal lamang ang magkamali. Mapapatunayan mo ngayon na mali ang iyong inakala. Patawarin an sarili pero ‘wag kalimutan ang iniwang leksyon. Lucky number for today: 40

SCORPIO (October 23-November 21) – Ikaw na ang unang kumilos. Walang ­inisyatiba ang mga tao sa paligid mo at sa iyo sila umaasa. Kaya ‘wag nang maghintay pa. Lucky number for today: 46

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy