Una sa Balita

Horoscope 12/03/2019

0 481

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Ang pinakatatago mong ­lihim ay ­mabubunyag na. Huwag ­matakot kung malaman nila dahil ito ang magpapalaya sa ‘yo sa katotoha­nan. Lucky number for today: 46

CAPRICORN (December 22-January 19) – Huwag matakot na makihalu­bilo sa iba. Subukan na lumabas at ­makipag-usap. Marami kang ­matutunan sa kanila. Lucky number for ­today: 11

AQUARIUS (January 20-February 19) – Iwasan ang makipagtalo sa ­kasamahan sa mga darating na araw. ­Tawanan lamang ang mga walang ­kuwentang bagay at huwag mag-aksaya ng oras para rito. Lucky number for today: 24

PISCES (February 19-March 20) – Magagawa mo ang isang bagay na akala mo ay hindi mo kayang gawin. Huwag tumigil kahit nagawa mo na ito sa ­halipo kailangan mong pagbutihin pa. Lucky number for today: 56

ARIES (March 21-April 19) – Hindi man sundin ng isang kaibigan ang iyong payo ay huwag magtatampo. Meron lang mga tao na ayaw makinig at gustong matuto sa kanilang ­pagkakamali. Lucky number for today: 1

TAURUS (April 20-May 20) – May isang tao na matagal mo nang hindi nakikita ang magbabalik. Bigyan siya ng oras katulad din niya na gustong maglaan ng oras para sa yo. Lucky number for ­today: 31

Related Posts

GEMINI (May 21-June 20) – Mukhang ­hindi ka napapansin ng kasamahan sa trabaho pero magbabago ito sa darating na mga araw. Kakailanganin nila ang iyong opinyon pero huwag itong ipilit. Lucky ­number for today: 10

CANCER (June 21-July 22) ­– Gusto mong ­itapon ang mga bagay na wala ng halaga para sa iyo. ­Pag-isipan muna itong ­mabuti dahil ­maaring kakailanganin mo pa ito sa hinaharap. Lucky ­number for today: 44

LEO (July 23-August 22)– Kahit ang isang katulad mong Leo ay nagkakamali rin kaya ­huwag isipin na para bang ­katapusan na iyong mundo. Makukuha mo rin ito nang tama sa tamang panahon. Lucky ­number for today: 2

VIRGO (August 23-September 22)- Masyado kang nag-aalala nang walang ­dahilan at mas magiging emosyonal ­ngayong linggong ito. Dapat ay maging positibo at maging ­masaya sa buhay. Lucky ­number for today: 15

LIBRA (September 23-Octo­ber 22) – Magkakaroon ng pagbabago tungkol sa iyong ­trabaho. Maaaring may ­promosyong ­ibigay sa iyo bago matapos ang taong ito at dahil ito sa ­talentong meron ka. Lucky number for ­today: 34

SCORPIO (October 23-November 21) – Gawin ang ­gusto mong gawin sa darating na mga araw. Huwag makinig sa sinasabi ng iba dahil ikaw ang mas nakakaalam ng dapat mong gawin. Lucky number for ­today: 25

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy