Una sa Balita

Horoscope 12/02/2019

0 318

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Magandang pagkakataon ito para magde­sisyon kung ano ang gusto mong mangyari ngayong taong ito sa buhay mo. Think big, sabi nga nila. Anuman ang plano mo doon ka lamang magpokus at magiging positibo ang resulta. Lucky number for today: 15

CAPRICORN (December 22-January 19) – May pangambang hatid ang isang kailangan mong gawin. Pero alalahaning sa umpisa lamang laging mahirap, maitatama ang lahat sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 26
AQUARIUS (January 20-February 18) – Marami kang dapat pagkaabalahang pagpaplano. Kailangan mong ma­ging mas organisado. Lucky number for today: 10

PISCES (Februa­ry 19-March 20) – Hindi mo kailangang makipag-unahan para lamang masabing­ nangunguna ka. Importanteng naniniwala ka sa ginagawa mo. Hindi ka magi­ging masaya kung lagi kang nakatutok sa reaksyon ng ibang tao. Lucky number
for today: 2

(ARIES (March 21-April 19) – Kung nakakaram­dam ng stress, meron kang opsyon para dumistansya sa anumang pinagkakaabalahan at maipahinga ang isip. Isang kaibigan ang matagal nang may inilalapit sa iyo, bigyan ng panahon ang kanyang hinaing. Lucky number for today: 26

TAURUS (April 20-May 20) – Kailangan mong maging mas organisado at mapagbantay dahil may mga aberyang puwedeng mangyari. Meron ding nagmamasid at kailangang ma­ging impresibo ang iyong bawat aksyon. Lucky number for today: 1

GEMINI (May 21-June 20) – ‘Wag pakawalan ang isang oportunidad para magbiyahe. Magbibigay ito sa iyo ng malaking pagkakataon para mapalawak ang iyong kaalaman at maging ang iyong koneksyon. Lucky number for today: 11

Related Posts

CANCER (June 21-July 22) – Isang kaibigan ang nagdudulot ng kalituhan sa buhay mo. Masya­dong intense ang kanyang epekto sa iyo. Kung meron ka nang commitment, malaking komplikasyon ang ihahatid nito. Lucky number for today: 51

LEO (July 23-August 22) – May hatid na mga excitement ang araw na ito at ang susunod pa. ‘Wag tanggihan ang imbitasyon ng isang taong malapit sa iyo. Magpapalalim pa ito sa koneksyong kakailanganin mo para sa darating na pana­hon. Lucky number for today: 31

VIRGO (August 23-September 22) – Pamilya ang dapat pagtuunan ng pansin nga­yon at sa mga susunod na araw. Bigyan ng special bonding ang iyong mga mahal sa buhay. Lucky number for today: 2

LIBRA (September 23-October 22) – Nasa mood kang magdoble effort sa pagtatrabaho. Isang malaking pagkakagastusan ang kailangang ikonsidera. Iwasan ito kung luho lamang ang masa-satisfy. Lucky number for today: 20

SCORPIO (October 23-November 21) – Pinapaboran ngayon ang iyong social life. Mara­ming parating na imbitasyon kasama na ang mga romantikong adventure. Hindi masamang ikonsidera ang pagbibiyahe kasama ang taong nagbibigay sa iyo ng dagdag na excitement. Lucky number for today: 53

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy