Una sa Balita

Horoscope 12/01/19

0 309

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May isa o dalawang pangyayaring nakakadismaya pero naramdaman mo nang mangyayari ito. Isang kapamilya ang nasa sentro ng mga drama. Lucky number for today: 57

CAPRICORN (December 22-January 19) – Magpokus sa katotohanan at hwag sa ilusyon. Walang dapat ikatakot kung maaga mong tatanggapin ang isang sitwasyon na wala sa iyong kontrol. Lucky number for today: 29

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Katotohanan ang mananaig ngayon. Ayaw mo man o gusto ang nangyayari, hindi mo ito mapipigilan. Kalma lang dahil marami kang kakampi. Lucky number for today: 32

PISCES (February 19-March 20) – Magpakatotoo at panindigan ang iyong prinsipyo. Hindi materyal na bagay ang mahalaga. Importanteng manatili ang iyong respeto sa sarili. Lucky number for today: 46

ARIES (March 21-April 19) – Mahihirapan ka ngayong pigilan ang iyong emosyon at mahirap ding tumahimik para sarilinin ang iyong opinyon. Pero kung gusto mong makaiwas sa away, kailangan mong itikom muna ang bibig. Lucky number for today: 26

TAURUS (April 20-May 20) – Ang puso mo ang gawin mong gabay sa iyong mga pangarap. Kung ano ang talagang gusto mo, doon ka para hindi maging mabigat ang bawat pag-aksyon. Lucky number for today: 44

Related Posts

GEMINI (May 21-June 20) – Bago mu­ling maglabas ng mala­king pera para sa isang investment, pag-isipan muna itong mabuti. Tiyaking isip mo ang mananaig at hindi ang emosyon. Lucky number for today: 9

CANCER (June 21-July 22) – Kailangan munang tigasan ang iyong dibdib para tanggihan ang pamililit ng isang kapamilya. Hindi mo siya matutulungan kung lagi mo siyang kakampihan. Lucky number for today: 15

LEO (July 23-August 22) – Kailangan mo ring aminin na hindi mo kaya. Hindi ito na­ngangahulugang mahina ka sa halip hindi ka lamang perpekto tulad ng sinumang tao. Isantabi muna ang pride. Lucky number for today: 26

VIRGO (August 23- September 22) – Kung sa mga nagdaang araw ay pumapabor ang kapalaran, ‘wag itong i-take for granted. Iwasan ding maging impulsive at mag-isip muna nang ilang ulit bago magdesisyon. Lucky number for today: 36

LIBRA (September 23-October 22) – Anuman ang mangyari ngayon at sa mga susunod na araw, kalma lang. Iwasang patangay sa emosyon para hindi maging komplikado ang sitwasyon. Lucky number for today: 52

SCORPIO (October 23-November 21) – Wala sa kontrol mo ang mga pangyayari kaya makiayon muna. Hindi mo kayang baguhin ang sitwasyon. Magpaka­tatag dahil malalagpa­san din ito. Lucky number for today: 41

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy