Una sa Balita

Horoscope – 11/24/2017

0 4

ARIES (March 21-April 19) – Paborableng araw ito para sa romansa. Makikita mo rin kung gaano ka kaespesyal sa iyong kapamilya at sa iyong partner sa buhay. Dahil dito, mas inspirado ka sa anumang pinagsisikapan mo. Lucky number for today: 8

TAURUS (April 20-May 20) – Mas mami-miss mo ngayon ang mga kaibigan at kapamilya na nasa malayo. Marami namang paraan ng pakikipagkomunikasyon, gawin ito. Posibleng makatulong pa sa iyo ang anumang maibalita ng iyong nasa malayong mga mahal sa buhay. Lucky number for today: 22

GEMINI (May 21-June20) – Nararamdaman mong totoo na ang pagtingin sa iyo ng isang malapi­t na kaibigan. Puwedeng hanggang wishful thinking ka na lamang lalo na kung meron ka nang partner­ sa buhay. Huwag padala sa tukso. Lucky number for today­: 26

CANCER (June 21-July 22) – Lahat ng ginawa mong kabutihan ay masusuklian na. Isang taong may mataas na respeto sa iyo ang magbibigay ng magandang oportunidad. Huwag itong katakutan dahil positibo­ ang resulta na naghihintay. Lucky number for today: 16

LEO (July 23-August 22) – Kung may partner ka na sa buhay, mas lalo pang lalalim ang inyong pagmamahalan. Kung single naman ay isang bagong romansa ang unti-unting mabibigyan ng pagkakataon­. Mag-enjoy samgasusunodnapangyayari. Lucky number for today: 15

VIRGO (August 23- September 22) – Kung nag-iisip ka ng magsimula ng isang bagong negosyo, isang bagong project, gamitin ang araw na ito. Mas kakauntiang oposisyon at mas madali kang makaka arangkada kung ngayon kikilos. Lucky number for today: 27

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Isang mensahe ang matatanggap mula sa iyong mahal. Mapapaboran din ang isang matagal mo nang binalak. Isang kaibigan ang nangangailangan ng iyong atensyon at panahon. Lucky number for today: 1

SCORPIO (October 23-November 21) – May maganda kang ideyang hahangaan ng isang taong nakakataas sa iyo. Huwag nang mabigla kung may bagong oportunidad na ialok ang taong ito. Kaya mong lagpasan an ganumang hamon.Lucky number for today: 8

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Lahat ay pumapabor sa iyo. Nasa magandang posisyon ka para tapusin ang anumang nasimulan. Paking­gan ang paalala ng isang nagmamahal. Lucky number for today: 16

CAPRICORN (December 22-January 19) –May dalang hamon ang araw na ito at posibleng maging masalimuot para sa iyo. Isantabi muna ang mga isyung may kinalaman sa emosyon, unahin ang isang importanteng isyu. Lucky number for today: 11

AQUARIUS (January 20-February 18) –Mas malaki ang kontrol mo kesa iniisip mo. Ang nara­ramdaman mong oposisyon sa mga nakaraang araw ay mananahimik ngayon. Samantalahin ang pagkakataon­. Lucky number for today: 23

PISCES (February 19-March 20) – May nararamdama­n kang pangamba sa isang ipinupursige mo. Kung hindi ito kokontrolin, pati mga tao sa paligid mo ay maaapektuhan. Lakasan ang loob at magtiwala sa sarili.Lucky number for today: 29