Una sa Balita

Horoscope – 11/21/2017

0 16

ARIES (March 21-April 19) – Nagiging mahirap ang isang desisyon dahil sa isang sensitibong isyung may kinalaman sa iyong nakaraan. Gumawa ng plano­ para unti-unti mo itong maresolba. Ang lahat ay makukuha sa tiyaga. Lucky number for today: 34

TAURUS (April 20-May 20) – Kakailanganin mong makipagkompromiso para makuha ang hina­hanap mong peace of mind. Mas sensitibo ngayon ang isang taong malapit sa puso mo kaya kakaila­nganin mong manimbang. Lawakan pa ang pang-­unawa. Lucky number for today: 14

GEMINI (May 21-June 20) – Iwasan ang madaliang pagdedesisyon lalo na kung nakabase lamang­ ito sa ngayon mo pa lamang nakikita. Maaring makaapekto ito sa iyong career kung hindi mag-ii­ngat. Lucky number for today: 14

CANCER (June 21-July 22) – Mahirap makuha ngayon ang direktang sagot sa iyong mga katanu­ngan. Mas nanaig ang paglilihim ng ibang tao. Ilayo muna ang sarili sa isyu at palipasin ang tensyon. Lucky number for today: 7

LEO (July 23-August 22) – Huwag munang mangako kung hindi mo sigurado ang papasukin mo. May isang impormasyon na tila nagiging mailap sa iyo. Magpatulong sa isang pinagtitiwalaang kaibi­gan. Lucky number for today: 34

VIRGO (August 23-September 22) – Gaano ka man kapursigido sa ginagawa mo, may isang taong malapit sa iyo na hindi nakikiisa. Maging sa pamilya ay posibleng magkaroon ng aberya. Kakailanganin mo ang isang masinsinang pakikipag-usap. Lucky number for today: 16

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Komunikasyon at isang sikreto ang posibleng maging pokus ng araw na ito. Huwag munang magbigay ng konklusyon. Marami ka pang kailangang malaman. Lucky number for today: 31

SCORPIO (October 23-November 21) – Posibleng magkaroon ng isyu sa aspektong pinansyal. Hindi rin nalalayo ang isang hindi pagkakaunawaan kung magpapatangay sa bugso ng emosyon. Lucky number for today: 8

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May posibilidad na magkaroon ng problema pagdating sa aspekto ng komunikasyon. Isang bagong karanasan ang naghihintay at kailangan mo itong malusutan, handa ka man o hindi handa. Lucky number for today: 33

CAPRICORN (December 22-January 19) – Iwasang magsalita kung hindi mo ganap na alam ang puno’t dulo ng isang sitwasyon. May ilang importanteng indibidwal na nagmamasid sa iyo kaya dobleng pag-iingat ang kailangan mong gawin. Lucky number for today: 15

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mayorya sa mga tao sa paligid mo ay magbibigay ng kanilang kooperasyon. Gamitin ang pagkakataong ito para ganap na maisulong anumang plano mo. Lucky number for today: 20

PISCES (February 19-March 20) – Kailangan mong mag-share ng mga ideya. Hindi uubra na ikaw lamang ang laging tumatanggap, kailangan mo ring magbigay. Walang dahilan para makaramdam ka ng insecurities. Lucky number for today: 5