Una sa Balita

Horoscope – 11/19/2017

0 4

ARIES (March 21-April 19) – Isang bagong impormasyon ang magbubukas ng daan para maipasok ang pagbabagong matagal mo nang pinag-iisipan. May ilang sorpresang hatid ang araw na ito. Lucky number for today: 24

TAURUS (April 20-May 20) – Isang dating­ kaibigan ang biglang makakakrus ng landas at mabibigla ka pa sa kanyang mga napagtagumpayan. Maghahatid din ito ng panibagong inspirasyon. Ang kanyang mga nagawa ay kayang-kaya mo rin. Lucky number for today: 12

GEMINI (May 21-June 20) – Malaking pagbabago ang posibleng maganap sa trabaho — puwedeng mailipat ka o puwede rin namang mapaganda pa ang iyong puwesto. Isang impormasyon ang makakatulong sa iyo para maiangat pa ang iyong career. Lucky number for today: 16

CANCER (June 21-July 22) – Isang malapit na kaibigan ang posibleng maging daan para makapagbiyahe ka nang biglaan. Adventure ang hanap mo ngayon at magandang daan ito para ganap na mairelaks ang isip. Huwag nang kumontra. Lucky number for today: 33

LEO (July 23-August 22) – Pakinggan ang ibi­nabahaging karanasan ng ilang kakilala kahit wala silang kinalaman sa trabaho mo. Malaki ang maitutulong ng kanilang pananaw upang maresolba mo ang isang importanteng isyu. Lucky number for today: 15

VIRGO (August 23-September 22) – Ngayon ang pagkakataon mo para ilabas ang lahat ng sama ng loob. Marami ang handang makinig at makisimpatiya. Makakaluwag ito sa iyong pakiramdam. Lucky number for today: 29

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Gamitin ang araw na ito para alisin ang lahat ng hindi pagkakaunawaan na may kinalaman sa trabaho. Makaka­buo ka ng bagong plano sa tulong ng mga tao sa paligid mo. Huwag isara ang isip sa mga posibilidad. Lucky number for today: 28

SCORPIO (October 23-November 21) – Kung single ka pa, posibleng mabago ang status mo dahil sa araw na ito. Hindi lamang iisang attractive na indi­bidwal ang magpapakita ng kaparehong interes. Posibleng kailanganin mo pang pumili. Lucky number for today: 12

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Ipakita ang iyong estilo at kakayahan. Tapos na ang mga araw ng pagpipigil. Ngayon mo kailangang magpakitang-gilas dahil marami ang nagmamasid sa iyo. Lucky number for today: 27

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi na nalalayo ang tagumpay pero bago ito ay may kailangan kang baguhin. Sumunod sa agos at huwag bigyang puwang ang pagdududa. Lucky number for today: 8

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kailangang maging reyalistiko at isantabi na ang pantasya. Nasa tamang posisyon ka para isulong ang mga minimithi mo. Lucky number for today: 23

PISCES (February 19-March 20) – Mas sensi­tibo ka ngayon kaysa pangkaraniwan. Sa kabila nito, abot-kamay mo na ang tagumpay. Kung kailangang magtrabaho ngayon, huwag masyadong puwersahin ang sarili. Lucky number for today: 27