Una sa Balita

Horoscope – 11/07/2017

0 9

ARIES (March 21-April 19) – Marami kang natututunang bago sa isang relasyon. Kung hindi pa lubusang committed, maaaring pag-isipan na ang mas malalim na aspeto ng pagsasama. Buksan ang isip sa mga posibilidad. Lucky number for today: 20

TAURUS (April 20-May 20) – Umpisa man ng linggo, mas naiisip ang aspeto ng iyong lovelife bago ang anupaman. Wala kang dapat ipangamba, tumutugma ang plano ng mahal mo sa iyong mga kagustuhan. Lucky number for today: 32

GEMINI (May 21-June20) – Maari kang makaramdam ng insecurity sa isang kasamahan sa trabaho. Posibleng pag-ugatan ito ng mainitang diskusyon. Maaring isyu ang taong ito kaya iwasan na lamang pumatol. Lucky number for today: 13

CANCER (June 21-July 22) – May kaabalahang hatid ang araw na ito, mula sa mga tawag at mensahe mula sa malayo na nangangailangan ng iyong atensyon. Posible ring pagmulan ng pagseselos ang iyong kaabalahan. Lucky number for today: 10

LEO (July 23-August 22) – Nasa pinansyal na aspeto pa rin ang pokus, maraming obligasyon na kailangang asikasuhin agad. Makakatulong ang iyong partner para gumaan ang dumaraming responsibilidad. Lucky number for today: 27 

VIRGO (August 23-September 22) – May posibleng pagbibiyahe na mangyari. Masasabak ka rin sa isang bagong panimula — bagong pag-aaral kaya ito o isang bagong proyekto? Mangangailangan din ito ng iyong buong atensyon. Lucky number for today: 7

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Isang kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita at nakakausap ang muling mapapalapit. Marami kang puwdeng malaman sa kanya kaya samantalahin ang pagkakataong mabubuksan. Lucky number for today: 31

SCORPIO (October 23-November 21) – Maraming diskusyon sa paligid. Maaari ring hindi ka sang-ayon sa lahat ng binubuksang ideya. Pero hindi ito ang para tumayong oposisyon. Kontrolin ang init ng ulo. Lucky number for today: 19

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Posibleng makaramdam ng pangamba sa isang pagbabagong hindi mo na mapigilan. Labanan ang takot. Makikiayon ang mga nangyayari at mare-realize mong matagal mo na itong dapat ginawa. Lucky number for today: 27

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kapag nagdesisyon ka, wala nang makakapigil sa iyo. Kailangan mo nang umpisahan ang mga paunang hakbang. Marami ang nag-aabang sa iyong bawat ginagawa. Lucky number for today: 35

AQUARIUS (January 20-February 18) – Usaping legal, pera at mga importanteng transaksyon ang pokus ng araw na ito. Huwag nang ipagpaliban ang alinman sa mga ito. Mas makakakilos ka nang ayos kapag natapos ang mga alalahaning ito. Lucky number for today: 10

PISCES (February 19-March 20) – May nega­tibong balita na posibleng magpainit ng iyong ulo. Habang tensyonado ang sitwasyon iwasan munag makipagtalo. Iwan ang pagdidiskusyon sa mga kaibigan at piliin na maging tagapagmasid muna. Lucky number for today: 12