Una sa Balita

Horoscope – 11/30/2017

0 99

ARIES (March 21-April 19) – Hindi masamang tumulong pero kung higit pa ito sa magiging kakayahan mo ay mag-isip ka nang makailang ulit. Huwag mong akuin ang problema ng iba. Lucky number for today: 2

TAURUS (April 20-May 20) – May mga pagkaantala sa mga plano mo ngayong araw na ito. May mga taong kinokontak mo ang mahirap hagilapin. Lucky number for today: 24

GEMINI (May 21-June 20) – Kung naging komportable ka sa mga nakaraang araw, medyo mapanghamon ang araw na ito para sa iyo. Posible ring ilang pangyayari ang nakakadismaya. Bumawi na lamang sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 31

CANCER (June 21-July 22) – Mahirap ipilit ang gusto mo sa araw na ito. Maraming hadlang pero hindi ito dapat ikabalisa, puwede ka namang maka­bawi bukas. Ipokus na lamang ang atensyon sa mga bagay na nakakapagparelaks. Lucky number for today: 15

LEO (July 23-August 22) – May isyu sa pinansyal na aspekto pero makakayanan mo itong resolbahin. Humingi ng tulong sa mga kapamilya o kaibigan­ kung kinakailangan. Lucky number for today: 9

VIRGO (August 23-September 22) – Hinay-hinay lamang sa araw na ito. Bigyan ang sarili ng pagkakataon na makapagrelaks. Mas magiging produktibo ka kung hindi masyadong pagod ang pag-iisip. Lucky number for today: 37

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Puwede ka nang magrelaks. Lahat ng pinaghirapan mo ay nagbubunga na ng magandang resulta. Gamitin ang pagkakataong ito upang mag-isip ng susunod pang proyekto. Lucky number for today: 3

SCORPIO (October 23-November 21) – Ibigay ang araw na ito para sa sarili. Ano ang mga panga­ngailangan mo na tila naipagkakait mo sa sa­rili mo? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay uunahin ang mga taong nasa paligid mo. Lucky number for today: 44

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Malinaw sa iyo kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo. Mahirap ding labanan ang kagustuhang makapagbiyahe. May hatak na dala ang isang bagong lugar at hindi masamang ikonsidera ito. Lucky number for today: 16

CAPRICORN (December 22-January 19) – Importanteng makompronta mo anumang isyu bago pa man ito maging malaking balakid sa iyong daan. Kailangan mong mag-adjust para malagpasan ang bahaging ito. Lucky number for today: 1

AQUARIUS (January 20-February 18) – Huwag pabayaan ang sarili. Sa gitna ng kaabalahan, bigyan pa rin ng oras ang pagrerelaks. Makakapaghintay ang trabaho. Lucky number for today: 27

PISCES (February 19-March 20) – Gusto mo mang makisalamuha sa piling ng mga kaibigan, kailangan mong bigyang pahinga ang sarili. Bigyang atensyon ang kalusugan. Kakailanganin mo ang ­enerhiya sa mga susunod pang araw. Lucky number for today: 5

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy